Ang Direktor na Mapangarap

142 32 21
                                    

Sa buong buhay ko, tanging inaasam ko lamang ay ang pangarap ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa buong buhay ko, tanging inaasam ko lamang ay ang pangarap ko.

Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil tinulungan Niya akong makamit iyon. Kahit na napakarami at napakahirap ng pinagdaanan ko para makamit iyon, ginabayan Niya pa rin ako at pinatatag ang loob ko.

Ngayong tumatanda na ako, ginagampanan at tinotoo ang pangarap na matagal ko nang hinihintay. Pinili kong mag isa. Sinabi ko sa sarili ko na hanggang sa huli kong hininga ay mabubuhay ako nang mag isa. Malungkot ba? Pwes sa akin ay hindi. Dahil sa desisyong pinili ko sa buhay, hindi ako nagsisi. Ang dami nitong itinuro sa akin na tanging ang sarili ko lamang ang nakakaalaam.

Pero napagtantuan kong mahihirapan ako habang inaabot ang pangarap kong iyon. Nangusap sa akin ang puso ko. Ang sabi niya ay nalulungkot siya at gusto niyang umiyak. Tinanong ko ang dahilan at ang sagot na nakuha ko ay,

"May nawawala."

Tinanong ko ang sarili ko kung may nawawala sa akin pero wala akong natanggap na sagot, gan'on din sa kalooban ko. Matagal ko nang kilala ang pagkatao ko at matalik kong kaibigan ang sarili ko.

Nakakapagtaka lang talaga dahil ngayon lang nagkaganito ang puso ko. Ano ba ang solusyon para sa problema niya?

Ano ba ang nawawala? Saan ko mahahanap 'yon?

🎬

Featured song: Fine on the Outside by Pricilla Ahn

Huling HirayaWhere stories live. Discover now