" Bakit ka lumalayo?" Agad nitong tanong nang mapansin ang ginawa ko ,saka walang kahirap-hirap na hinila ang upuan ko palapit sa kaniya, yung tipong nagkakadikit na yung balikat namin sa lapit.

"K-kase gusto ko nang malaking space.. Slight c-claustrophobic kase ako."

Ano? Meron bang slight claustrophobia? Ano ba tong pinagsasasabi mo Quine?

" Oh? Eh wala naman tayo sa close space ah?" napabuntong-hininga na lang ako, alam ko kase na kapag nag-salita pa ako ulit walanng sense na naman ang sasabihin ko.

Ano bang nangyayari saken? Parang ang na- awkward ako bigla? Hindi makapag-isip ng maayos ang utak ko.

"May mga lugar akong mahilig puntahan kapag gusto kong magisip-isip. Napuntahan na natin yung isa." Pagbasag nito sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago ako nag-salita.

" Yung amusement park?" tumango ito.

"Mas buhay yung lugar na pupuntahan ko mamaya." ko talaga ang ginamit niya. Tsk.

"P-pwede naman akong u-umabsent ulit eh." kunyari ay tinatamad kong sagot dito.

Dinig ko pa ang bahagya nitong pag-tawa, at nang lingunin ko nga siya...kasing liwanag din ng umaga ang mukha niya. Bago pa man niya ako mahuling nakatitig sa kaniya ay nag-iwas na ako ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit maski ako...masaya din ngayon. Siguro dahil masarap ang breakfast ko? Dahil may nag-luto ng breakfast ko? O baka dahil...gusto ko ang taong nag-luto ng breakfast ko?

Matapos naming kumain ay nag-tulungan kami ni Van sa pag-huhugas ng mga plato.

Kinailangan niya munang umuwi sa apartment niya para mag-palit ng damit at mag-shower din, kaya naman habang inaantay siya ay nag-shower na din ako at nag-ayos ng konti.

Halos isang oras din akong nag-antay sa kaniya nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Binuksan ko iyon at hindi nga ako nagkakamali dahil si Van iyon.

Naka-suot siya ng dark green shirt at black na pants. Habang yung buhok niya naman ay basa pa at talagang magulo-gulo pa.

" Tara?" kita ko ang excitement sa buong mukha nito, hindi ko tuloy maiwasang hindi rin ngumiti.

Kotse ni Van ang ginamit namin papunta dun sa lugar na tinutukoy niya.

" So, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang nakapikit ang mga mata at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin sa labas.

Maaga pa kaya hindi pa ganoon ka-polusyon sa kalsada.

"Sa malayo." hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya kaya nilingon ko siya.

" Ha?" saglit niya akong tinignan saka agad ding ibinalik ang mga mata sa kalsada.

"Basta. " aniya. Hindi na ako ulit nagtanong pa at patuloy na lang na pinagmasdan ang mga establishimentong nadadaanan namin.

Hindi ko alam kung saan patungo ang daang tinatahak namin. May nadaanan na kaming kalsada sa gitna ng naglalakihang mga puno. Nang makalagpas na kami sa kalsada na yun dumaan naman kami sa mahabang tulay na papasok sa isang tunnel. Halos dalawang oras na din ata kami sa daan at hindi parin sinasabi ni Van kung saan kami pupunta.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami lumiko, hanggang sa  unti-unti ko nang natanaw ang  dalampasigan at bughaw na karagatan.

Hindi ko mapigilan ang pagkamangha sa nakikita ko ngayon. Matagal-tagal na din mula nang makapunta ako sa dagat.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now