"Did you two fvck?" pag-uulit ni Daevon sa itinanong niya sa akin kanina.

Walang nakaimik sa aming dalawa ni Ivann. I know, kahit siya siguro ay walang maalala ngayon. Naniniwala akong hindi siya ang may pakana ng mga ito, kitang kita ko ang pagsuko sa mga mata niya nung nasa restaurant kami kaya imposibleng paabutin niya sa ganito.

"That's it" mahinang sabi ni Daevon saka tumayo.

Blangko itong tumingin sa akin bago ako binigyan ng mapait na ngiti.

"I was about to surprise you but it looks like I was the one who got surprise in my own house." natatawang sambit niya kahit pa walang bakas ng kasiyahan sa tono niya.

Tahimik na tumulo ang luha ko at marahang napailing.

Please say something I don't wanna hear.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang talikuran niya ako at marahang naglakad palayo.

Please don't leave..

I wanna say it loud pero hindi ko magawa tangina.

Tumigil siya sandali nang nasa tapat na siya ng pintuan at muli akong tiningnan.

"Pakiusap sana hindi ko na kayo madatnan pagbalik ko dito sa pamamahay ko." walang emosyon niyang sabi direkta sa mata ko at tuluyan na nga kaming iniwan.

Napahagulhol nalang ako ng iyak nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan niya sa labas. Naninikip ang dibdib ko at nagsimula akong mahirapan sa paghinga dahil sa labis na pag-iyak.

Please Daevon..Please get back here..Please honey don't leave me..

Napatigil ako saglit nang makita ko ang paghihirap ni Ivann habang nakaupo. Sobrang bugbog ang natamo niya at base sa maayos na mukha ni Daevon alam kong hindi siya lumaban dito.

Hinanap ko ang mga damit ko at nang makita ko na iyon ay binalingan ko ulit ng tingin si Ivann. Nakapikit siya habang iniinda ang tyan niya na marahil ay napuruhan ni Daevon ng sobra. Nagmadali akong magbihis bago nangangatal na lumapit sa kanya.

"I-Ivann..kailangan kitang d-dalhin sa ospital" lumuluha at utal kong sambit.

Marahan siyang dumilat at malungkot na ngumiti nang makita ako.

"I-I'm..sorry..I don't know..anything..believe me" mabagal at nanghihina niyang sabi.

Tanging tango nalang ang itinugon ko at hinanap ang damit niya. Tinulungan ko siyang magbihis at nang maayos na ang itsura nya saka ko siya inalalayan patayo. Kinuha ko ang mga gamit ko bago kami nagsimulang maglakad.

Gusto ko mang habulin si Daevon ay kailangan ni Ivann ng tulong bukod pa doon ay alam kong hindi rin kami makakapag-usap ng ayos sa lagay naming dalawa.

Mabagal kaming naglakad palabas ng bahay. Ganun nalang ang pagpipigil kong umiyak nang may madatnan akong taxi sa labas na para bang sadyang inaantay ang paglabas namin.

Napapikit nalang ako at nanghihinang naglakad palapit doon habang inaalalayan ko si Ivann.

He really wants me to leave.

Una kong ipinasok si Ivann sa loob bago ako sumunod. Agad kong sinabi sa driver na dalhin kami sa pinakamalapit na ospital na alam niya. Muli kong tinanaw ang bahay ni Daevon, unti-unting nag-ulap ang paningin ko nang magsimula na kaming umandar at tuluyan na nga akong napahagulhol ulit nang hindi na iyon makita ng aking paningin.








Madaling araw na at para akong lantang gulay habang naglalakad papalapit sa bahay namin. Mapait akong napangiti dahil halos hindi na ako nakabalik dito mula nang ikasal kami ni Daevon.

Kasal kayo Ayesha.. He's your husband, you're still his wife. Keep fighting.

Pilit kong pinalalakas at pinatatag ang loob ko. Nang nasa harapan na ako ng pintuan namin ay pinilit kong ayusin ang sarili ko, kahit papano ay ayaw kong mag-alala ang mga magulang ko sa akin sakaling makita nila ako ngayon. Binuksan ko ang bag ko at hinanap doon ang kopya ng susi ng bahay namin. Isinuksok ko iyon at marahang binuksan bago walang ingay na pumasok sa loob.

Gusto kong matawa dahil mas nanibago akong nandito ngayon. Kahit papano ay binigyan parin ako ng swerte ng tadhana dahil wala ni isang gising o nagising sa bahay namin.

Ramdam ko ang pagod at pamamanhid ng katawan ko habang umaakyat ako patungo sa aking silid. Nang marating ko ang aking kwarto ay marahan kong inihiga ang aking sarili at tulalang tumingin sa kisame.

Muling nagreplay sa utak ko ang mga nangyari. Napapikit nalang ako habang nagsimula na namang tumulo ang aking luha.

Hindi ka pa ba ubos? Kanina ka pa lumalabas sa mata ko. Tamana.

Nanumbalik sa aking pandinig ang tanging tanong ni Daevon sa aming dalawa. Doon ko lang nagawang pakiramdaman ang sarili ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o iiyak dahil sa frustrasyon dahil wala akong nararamdaman sa aking ari senyales na nagalaw ako.

Hindi sapat iyon para masabi kong walang nangyari sa amin.

Magdamag kong pilit inalala kung paano kami nakaabot sa bahay at kung ano ba talagang nangyari pero wala talaga ni isang alaala na pumasok sa isip ko. Ang tanging huling memorya ko lang ay nang makaramdam ako ng liyo nang matapos kong inumin ang wine na sinerve ng waiter.

Ang waiter..

Tama. Siya dapat ang hanapin ko dahil siya lang ang natatatangi kong matatanungan ngayon. Kailangan kong bumalik sa restaurant.

Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako o tanging pikit lang iyon dahil hindi naman tumigil ang isip ko sa kakaplano ng mga dapat gawin.

Nagsimulang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Marahan kong iminulat ang mata ko bago iyon kinuha. Walang buhay ko iyong pinatay bago hinanap sa contact list ko si Tita. I immediately dialed her number, luckily she answered the call in just two rings.

"Hello iha may problema ba?" bungad ni Tita sa akin.

Madami po.

"Tita masama po kasi ang pakilasa ko baka po hindi ako makapasok sa opisina ngayon." I said.

"Okay no problem. Take care of yourself hanggang gumaling ka ako na ang bahala dun." sagot niya sa akin. Tipid akong napangiti kahit pa hindi niya iyon nakikita.

"Salamat po" I sincerely said.

"Walang problema iha. I'll hang up now para makapaghanda na ako. Bye" she mumbled and ended the call.

I let out a deep sigh bago ibinaba mula sa aking tenga ang telepono. Chineck ko ang aking messages at call history.

Nanubig muli ang mata ko nang makitang may 8missedcalls doon mula kay Daevon na sa tingin ko ay ginawa niya bago niya pa kami makita. Binuksan ko ang thread name niya at nakagat ko ang aking labi upang magpigil ng pag-iyak.

Iloveyoutoo. Just don't let him touch you in any ways. (7:03pm)

Honey? (7:49pm)

Nakauwi kana ba? (8:06pm)

Why are you not answering my calls? (8:20pm)

Did anything happened? (8:34pm)

Magkasama pa ba kayo? (9:00pm)

Nanakaw ba phone mo? (9:10pm)

Tulog kana ba? (9:12pm)

Iloveyou please reply :( . (9:38pm)

Nangangatal kong pinindot ang pangalan niya upang tawagan. Mabagal ko iyong inilagay sa aking tenga at kagat-labing inantay ang pagriring ng kabilang linya ngunit hindi niya iyon sinagot. Nakailang beses ko pa siyang tinawagan pero talagang ayaw niyang sagutin. Nanghihina akong napasandal sa head board ng kama ko nang maging unavailable na ang kanyang linya.

He off his phone.

Nagsimulang magtuluan ang aking luha na kanina pang gustong makawala. Muli kong iniangat ang aking cellphone bago nagtipa ng mensahe para sa kanya.

To: Honey❤️
Please don't leave me..ILOVEYOU.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now