Prologue

3.2K 64 4
                                    

"Good morning ma'am!" Napangiti si Sabrina nang isa-isa siyang batiin ng mga empleyado niya nang madaanan niya ang mga ito.

"Good morning!" Masiglang aniya. Dumiretso na siya sa opisina para masimulan na rin ang trabaho.

Kakaupo pa lamang niya sa swivel chair nang may kumatok sa opisina niya.

"Come in." Mahinang aniya habang pinapalitan ang heels na suot ng tsinelas.

Pumasok ang assistant niyang si Leslie na may mga dalang dokumento.

"Ma'am for review and approval po." Sabi nito at nilapag ang mga dala sa lamesa niya.

Tumango siya. "Okay just leave it there." Tumango naman ito at umalis na.

Kinuha niya ang isang folder at binuklat ito. It's their financial statements.

She's still reviewing the files when the door opened. Hindi niya ito tinignan sa pag-aakalang si Leslie ang pumasok.

"I'm not done yet Leslie. Tatawagin na lang kita kapag tapos na." Aniya habang tutok na tutok sa ginagawa.

"Sinong Leslie? Excuse me ha? Pero mas maganda naman yata ako kaysa do'n sa assistant mo."

Mabilis siyang napaangat ng tingin nang marinig itong magsalita.

"Kyle? Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong niya.

"Anong Kyle? It's Kyline okay?" Naiinis na tugon nito.

She rolled her eyes ang fixed her glasses. "Ewan ko sa'yo. Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

Umirap ito bago naglakad papalapit sa kanya at naupo sa kaharap niya.

"May chika kasi ako." Panimula nito.

Tumaas ang kilay niya. "Pwede ba? Tigilan mo ako diyan sa mga chismis mo. Wala ka bang trabahong loka ka?" Alam niyang tungkol na naman ito sa mga bago nitong boyfriend ang sasabihin.

Umismid ito. "This is not about my boylets okay." Tinignan siya nito ng seryoso. "This is about the heir of the De Seville."

Kumunot ang noo niya. "Oh ano naman ngayon? I don't have time for that. They are not my business." Baliw na talaga 'tong kaibigan niya. Ano naman kasing pakialam niya sa pamilyang 'yon di ba?

"You're aware that they're targeting your company because you're a threat to them right? Hindi ka ba nagtataka kung bakit siya nandito? Maybe they're planning something against you. So dapat maging handa ka. I heard he's a manwhore and he's always using that skills of him to bring down all their company's rivals. Kaya kung ako sa'yo dapat mag-iingat na ako."

Tinignan niya ito ng masama. "Baliw! Anong tingin mo sa'kin uto-uto? Kahit ano pang gawin niya, sinisigurado kong hindi siya magtatagumpay sa kung ano man ang pinaplano nila."

Matagal siya nitong tinitigan bago tumango. "Oo nga no? Sorry sist hindi ko naisip na wala ka palang amor sa mga lalake." Muli siya nitong tinignan at parang sinusuri kaya mabilis na nagsalubong ang kilay niya.

"Anong tinitingin-tingin mo?"

Umiling ito. "Wala naman. Hindi ko lang din naisip na malabo ka rin pala niyang magustuhan kasi tignan mo naman." Tinuro siya nito. "Mukha kang manang. No wonder you're employees are calling you old maid and sometimes witch. You really don't have a sense of fashion Bree."

Tumaas ang kilay niya. "What? They're saying that?"

"Oh my gosh!" Napatakip ito ng bibig. "You didn't know?"

"Who among them are saying those things?" Matigas ang boses na aniya.

"All of them." Mabilis nitong sagot.

She gritted her teeth. "All?" Humanda ang mga ito sa kanya. Akmang tatayo na sana siya pero mabilis siya nitong pinigilan.

"Ano ka ba Bree. 'Wag ka ng magalit sa kanila at least they said that you're a good witch not the bad one. That's still a compliment right?" Tinignan niya ito ng masama na tinawanan lang naman ng kaibigan.

Umiling siya bago naupong muli. Mamaya na niya pagagalitan ang mga empleyado.

-----------------

"Are you sure this is her?" Nakakunot ang noong tanong ni Ethan sa isa sa mga tauhan niya.

"Yes sir she is."

"How sure are you?" He's not convinced all right.

"Hundred percent sure sir."

He looked at the picture again and grimaced. The woman doesn't looked like an heiress to him. She's more like a girl who got deprived from love and suffered stress in her entire life.

In this specific picture, she's wearing skirt five inches below her knee and a coat that looks way bigger to her. She's in her glasses and tied her hair neatly. She really looks like an old aunt. Definitely not his type. Just by thinking he would seduce this girl make him want to vomit with disgust.

He looked at the information given to him. Well, she's not that old. Just a four-year older than him. She's 34 while he's 30. But the way she dressed and fixed herself. Damn! She's definitely a 60-year old woman.

"Tsk!" Tinignan niya ang mga tauhan. "Get her and bring here now."

Sabay-sabay na tumango ang mga ito at yumuko saka tumakbo papalabas ng kwarto kung nasaan siya.

He smirked and looked at woman again in the picture.

Time to play Ms. Ferrer!

He licked his lips and read her name.

"Sabrina Fate."

--------------

Full Story On Novelah

Pen Name: chuulips


- F A I R Y S V N -

🎉 You've finished reading Game Of Love Series I: Dangerous Encounter [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER NOVELAH 🎉
Game Of Love Series I: Dangerous Encounter [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER NOVELAHWhere stories live. Discover now