The nostalgic feeling of the warm breeze of air is both embracing us. Mas lalo lamang nagsusumiklab ang puso ko pati na rin ang sistema ko na nawawalan na ako ng kontrol. I hold Kairus hands and he intertwined our fingers. We're both silent and just enjoying the view as we turn closer to the island. Nakayakap siya sa akin mula sa likod hanggang sa makadaong na kami sa Verceluz Shipping Inc.

Halos mapatulala pa ako sa pagsilay muli ng mga malalaking barko na nakapaligid sa Isla. The view feels so nostalgic. It brings back a lot of memories from the past. Iyong unang beses na dinala ako ni Kairus rito ay sinimulan kong mahalin ang mga barko. Ngayon ay narito muli ako at pakiramdam ko nalulunod muli ako sa paghanga sa pagtitig noon. Inalalayan ako ni Kairus na bumaba sa yacht.

Totoo nga ang sinasabi ni Zaijan dahil namataan ko na sila ni Kassidy na hindi kalayuan sa amin. Kumakaway si Kassidy at kumaway din ako pabalik sa kanya. Kairus men carry our bags for us. Kinuha niya na rin ang ibang bag para may buhatin siya habang hawak ang kamay ko. Saglit lamg akong napahinto ng makita ang tatlong barko na malapit lang sa daungan at may malalaking tela na nakatakip roon.

Kumunot ang noo ko at humigpit ang hawak sa akin ni Kairus. Malapit lang iyon sa amin kaya ramdam na ramdam ko ang laki. Halos mangalay ako sa kakatingala sa taas noon.

"Let's go." Kairus said beside me and when I look at him I can see a lot of emotion in his eyes. Siguro ay masayang masaya siya na nakauwi na kami ngayon ng magkasama. Tumango ako sa kanya at nagpatianod na sa hila niya.

"For sure your name is now written on one of these ships. Nasaan kung ganoon ang barkong may pangalan mo?" ngumiti lang siya sa akin at nagkibit balikat.

"You'll see later." napasinghap naman ako sa sagot niya at nakaramdam ng pagkasabik. Umawang ang labi ko at nilibot pa ang tingin sa ilang barko sa paligid.

"Kainoa." I whispered as I imagine to see his name in a roman font in a ship. Siguradong maraming sumasakay na pasahero sa barkong iyon.

"Kayeziel." he said and I arch a brow. Tumawa lang siya at napanguso naman ako. Sinalubong kami ni Zaijan at Kassidy. Agad akong niyakap ng pinsan na para bang ang tagal tagal naming hindi nagkita kaya kuminot ang noo ko.

"Zaijan!" saway ko dahil ang tagal ng yakap niya at gusto na akong yakapin ni Kassidy. She's glaring at Zaijan and Kairus brows furrowed.

"Okay, okay." aniya bilang pagsuko at binigay na ako kay Kassidy na yinakap at hinalikan ako sa pisngi. Pagkatapos ng saglit na pag-uusap namin ay sumakay na kami sa sasakyan patungo sa bahay ni Kairus. When he told me that he has a house now in Isla Vagues, I was a bit surprise.

Hindi ko inaasahan na nagpatayo na pala siya ng bahay rito. Ilang beses lang akong nakapunta sa bahay niya sa Maynila kaya bahagya ko na iyong namimiss pero sabik na rin akong makita ang bahay niya rito. I'm in a shotgun seat as Zaijan's car is behind and tailing us. Ilang minuto lang ang biyahe mula sa VSI patungo sa bahay niya.

Ilang kabahayan ang nalagpasan namin at ang mga mata ko ay naroon sa labas. Tinitignan iyon. Nag-iinit at sumusikip ang dibdib ko habang nakikita ang pamilyar na lugar at ilang pagbabago roon. Ang dami ng malalaking bahay, iba sa mga bahay na gawa sa kahoy at plywood na nakasanayan kong tignan dati.

Naalala ko sila Nestor, Tonyo, Mario at Ysabel. Those people I met here. Mga naging kaibigan ko pero naging biktima dahil sa kagagawan ni Lyndon. What Lyndon done is unforgivable and I understand why they hate me until now. Kagaya ng laging sinasabi sa akin ni Kairus at Zaijan, wala akong kasalan at hindi ako gumawa ng krimen kaya pinatawad ko na ang sarili ko.

But if they still hate me, I will let them. Ako na lang ang iiwas para hindi na makagawa pa iyon ng gulo. I will remain silent. Sa kabila ng galit nila at pait na nararamdaman ko ay gusto ko pa rin silang makita ngayon. I don't know but I think seeing them will make the dark memories vanish. Mapapanatag ako kahit ang makita lang sila. Hindi ko na hihilingin pang makipag-usap.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now