Kabanata 1

29.3K 1K 421
                                    

Kabanata 1:
Scoffed

Todo todo pa rin ang kalabog ng puso ko kahit medyo nakalayo na ako sa lalaki na iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sa akin. I'm even breathing massively while holding my luggage tightly. Mukhang nawala yata sa isip ko ang totong dahilan kung bakit ako napunta rito.

Dahan dahan akong lumingon muli sa direksiyon noong lalaki at patuloy pa rin siya sa paghila ng mga bangka na kakararing at aalalayan ang mga pasahero. Rinig ko pa ang ilang hagikhikan ng mga babae roon pagkatapos niyang alalayang makababa.

Bigla akong napanguso, trabaho niya ba iyon? Kung ganoon iba't-ibang babae ang inaalalayan at nakakahawak ng kamay niya. Biglang sumama ang pakiramdam ko sa pag-iisip ng ideyang iyon. Dapat wala akong pakialam doon dahil iyon ang buhay niya bago pa ako makarating rito. Sino nga ba naman siya para pag tuunan ko ng pansin.

Why the hell I'm even thinking of a stranger for pete's sake!

Hindi ko lang kasi maiwasan lalo na at sa rami rami ng lalaki na nakasalamuha ko, elegante pa at mataas ang posisyon sa lipunan dahil sa talamak na pera ay hindi ko naramdaman ang magreact ng ganito. I can't even feel a bit reaction of my heart every time I saw a man.

Pero iyong lalaking iyon, walang kahit anong palamuti sa katawan at tanging pantalon lang ang suot ay nagawa akong pahirapang huminga at halos atakihin ako dahil sa rahas ng pagtibok ng puso ko.

Sa buong buhay ko madalas na akong nilalapitan ng mga lalaki. Mga guwapo pero iyong sa kanya sobra-sobra, parang hindi siya totoo. The word is not even enough to express how devilishly handsome he is. He's also better than Lyndon.

Nang mabanggit ang pangalan na iyon ay nagbalik na ako sa sarili sa totong dahilan kung bakit narito ako sa Isla Vagues. Kinapa ko sa bulsa ng duffel bag ang binigay sa akin ni Tita na picture ni Nanny Wendy.

May edad na siya noong inaalagaan niya pa ako. I was only 8 years old when she left. Dito sa picture ay mukhang mas lalo siyang tumanda. She looks like in a late 50's or early 60's. Sabi ni Tita ay kilala si Nanny Wendy sa lugar na ito. May address naman na nakalagay sa papel at puwede na akong magtanong para mas mapabilis siyang hanapin.

Maraming tao ang naglalakad sa paligid, mukhang mga residente ng Isla Vagues. Mga normal na damit ang mga suot nila at ang lugar na ito ay probinsiyang probinsiya dahil sa tahimik at simple ng pamumuhay. Napansin ko ang ilang kalalakihan na napapatingin sa akin.

Sanay na ako sa ganoong mga reaksiyon kaya hindi ko na lang pinansin. May matandang lalaki na may dalang mga niyog at mukhang matagal na siyang residente rito kaya maganda sigurong tanungin siya.

Hila hila ko ang maleta at sa balikat ko ang duffel bag ng lumapit ako sa kanya. Mabilis siyang napalingon sa akin at ngumiti ako.

"Manong, do you know this woman?" papakita ko pa sana sa kanya ang picture ng matigil ako sa sinabi niya.

"Naku, hija hindi ako magaling sa ingles. Hindi kita maintindihan." saglit akong natigilan pero ngumiti din ulit.

"Kilala niyo ho ba ang babaeng ito?" tanong ko at pinakita na sa kanya ang picture.

"Sanay ka naman palang mag tagalog. Pinakaba mo pa ako." aniya at bumaba na ang tingin sa larawan.

"Si Wendy ito ah. Kaano-ano mo?"

"Uh... Malapit po siyang kaibigan ng Tita ko, alam niyo po ba kung saan siya nakatira?" napag-usapan namin ni Tita na kailangang itago ko ang totong estado ko sa buhay nang sa gayoon ay maiwasang maghinala ang mga tao.

Pansamantala akong nagtatago ngayon kaya mahirap na kung kakalat sa mga tao na isa akong mayamang babae na tumakbo sa pamilya niya. Mahirap na at baka ang pagtatago kong ito ay hindi maging matagumpay.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now