Kabanata 5

21K 1K 463
                                    

Kabanata 5:
Yakap

Kasing bilis ng mga alon sa dagat at ang pagsikat ng araw para sa bagong umaga nagdaan ang mga oras. Halos hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw dahil sa kawilihan ko rito sa bagong lugar na tinitirhan.

Sa mga sumunod na umaga, simula noong lumabas ako sa kwarto ng alas nuwebe na ay sinikap ko na mas maagang magising roon para sa tatlong dahilan. Una, para hindi ako tignan ni Kairus ng may insulto at asarin ako tungkol sa paggising ko. Pangalawa, para isalba ang sarili sa kahihiyan na nagiging feeling senorita ako sa bahay kahit hindi. Pangatlo at pinakamahalaga na dahilan ay para hindi maabutan si Kairus sa agahan.

Sigurado kasing parang baboy na naman akong ituturing noon. Baka nga nastretch na ang bituka ko noong unang araw ko rito sa rami ng kinain ko. Mabuti na lang at hindi ko sinuka.

Naging matagumpay ako sa paggising ng alas sais dahil wala na si Kairus sa bahay kaya nakakain ako sa rami ng gusto ko. Walang lalaki na nag-uutos kong gaano karami ang kakainin. Minsan sinasabi ni Lola na dagdagan ko pa pero hindi na rin ako pinipilit kung ayaw ko na.

Sa tanghali naman ay hindi na siya bumabalik at nagbabaon na lang sila kapag nagmemeryenda roon. Naging mas doble abala siguro sa trabaho kaya malaya rin ako sa tanghalian. Sa hapunan lang talaga ako walang kawala pero dahil gabi iyon at kailangan talaga ay kaunti lang ang kakainin ay sinasaway siya ni Lola sa pagpupumilit sa akin.

Simple akong ngumingiti sa kanya sa kada magsasalita si Lola para sawayin siya at kitang kita ko ang pagdidilim at pagsasalubong ng makakapal niyang kilay. Sa nagdaang dalawang linggo ay ganoon ang sitwasyon at ayos naman ako.

Kapag umaga ay umuupo ako sa labas para mag sketch ng iba't-ibang tanawin. Minsan ay mukha ng mga tao at bahay. Kaso pagkatapos ng tatlong oras ay nawawalan agad ako ng gana dahil mas sanay talaga ako sa digital drawing. Pero ayos na rin dahil nalilibang naman ako.

Sa tanghali pagkatapos kumain ay natutulog lang ako. Tinatanong ko si Lola kung meron akong puwedeng gawin pero hindi niya ako hinahayaang kumilos. Nakakahiya tuloy. Minsan ay nakikita ko si Andeng na kumikilos at inuutusan ni Lola.

Kinausap ko muli siya roon at noong pangalawang linggo ay hinayaan na niya akong kumilos. Maliit na bagay nga lang kagaya ng pagwawalis at pagdilig ng mga halaman. Hindi niya talaga ako hinahayaang gumawa ng mabibigat na bagay. Hindi niya naman kailangang gawin iyon dahil iba na ang sitwasyon dati na alaga niya ako at kasambahay namin siya.

Maayos na sana ang lahat sa dalawang linggong nagdaan kung hindi lang sa pagsisimula ng lunes para sa pangatlong linggo na magdaan ay halos mapasinghap ako sa gulat ng makita si Kairus sa hapagkainan.

"Morning...mukhang gulat ka?" hindi ko alam kung panunuya ba ang tanong na iyon o pang-aasar pero nakompirma ko ng isang ngisi ang kumawala sa labi niya at umawang naman ang akin.

"Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong. Hindi makapaniwala na narito siya sa lamesa sa ganitong oras. Hindi ba't dapat nakaalis na siya. His smirk grew more that I'm not used to see on him. He's always on his serious and snob expression.

"Dito ako nakatira kung nakakalimutan mo." aniya at hindi ako nakapagsalita ng dumating si Lola.

"Oh hija, maupo ka na at mag-agahan tayo. Kasama na natin si Kairus mag-agahan simula ngayon dahil hindi na masiyadong abala sa trabaho niya." ani Lola at bigla akong nanlumo sa sinabi niya.

Kairus licked his lower lip and lean on the backseat when he see my reaction. I throw him daggers that a taunting smile shows in his lips. I slowly pull my chair to take my seat.

"Ikaw na ang maglagay ng tamang rami sa plato mo kung ayaw mong mas ramihan ko." napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim para pigilan ang sarili na sumigaw sa iritasyon.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon