Kabanata 10

21.4K 770 142
                                    

Kabanata 10:
Laundry

I was humming a song in my mouth while opening the faucet. Kumunot lang noo ko ng makailang ulit ng ikot roon ay walang lumalabas na tubig. Inukot ko iyon pakanan, sinisigurado kong tama ba ang pag-bukas ko.

Sinubukan ko muli sa kaliwa at alam kong iyon ang direksiyon para mabuksan iyon. Wala pa ring tubig akong nahawakan.

I gasped and bullets of sweats were starting to form in my forehead. Init na init na ako at gusto ko ng maligo. Hindi ko alam kung masama ba itong pangitain sa kagustuhan kong gawin. I puffed a loud breath and wipe my sweats with the towel in my shoulder.

Sinubukan ko rin ang gripo sa sink na maliit na naroon pero wala talaga.

"God, this is not happening!" I exclaimed and a bit nervous. Wala bang tubig?!

I almost yelled in being hopeless when I heard the door creaked open. I immediately walk outside the bathroom and saw Kairus standing with his clean white shirt and jersey shorts.

It's Sunday so its usual to see him wearing his pambahay. Halos mahiya pa ako sa kanya ng makita niyang ganito ako. Bagong gising at wala pang ligo.

Huminto ako ilang hakbang ang layo sa kanya para hindi niya ako maamoy. Baka mamaya ay maamoy niya ako. Pasimple kong inamoy ang sarili at bahagyang nakahinga ng maluwag ng malamang ayos naman.

"Walang tubig?" tanong ko na tunog nagrereklamo. Dumapo ang madilim at seryoso niyang tingin sa akin. He clicked his tongue inside his mouth before answering and I almost gasped.

How can he even make that move in a sexy way this early morning!

Muntik ko nang makalimutan tanghali na pala ang alas otso para sa kanila.

"Mabuti at napansin mo na." hindi ko alam kung seryoso ba iyon o sarkastiko. Huminga lang ako ng malalim. Ayokong magalit dahil papangit lang ako lalo ngayong wala pa akong ligo.

"Bakit wala? Naputulan ba tayo?" I exclaimed and I immediately stop when I realized what I said.

"U-Uh don't get me wrong... I mean.." I don't know what's the right words to say. I'm just concern if he would be offended on what I said. He just shrugged.

"May inaayos na tubo hindi kalayuan. Kasama ang bahay sa pansamantalang mawawalan muna ng tubig." aniya at nanlaki ang mata ko.

"Walang tubig ng ilang oras kung ganoon?! Paano ako makakaligo?" I even puffed an exaggerated breath. He plastered a smirk in his lips. Nairita ako kaagad. Sa tingin niya ba ay nakakatuwa pa itong nangyayari sa akin?

In my whole life, I never skip taking a bath even I have fever or the weather is cold. My world won't cycle again if I didn't scrub my body in a soap and apply shampoo in my hair!

"Mag-iigib ako." napahinto ako sa pag-iisip ng paraan na puwedeng gawin nang makahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Kairus.

"Good idea! Kailangan mo ng simulan ngayon. I was itching to take a bath." sabi ko at halos yakapin siya sa sobrang tuwa pero pinigilan ko ang sarili. That would be awkward.

"Kumain ka muna ng almusal habang nag-iigib ako. Sa baba ka na lang muna maliligo." aniya at natigilan ako sa huli niyang pangungusap.

"Bakit hindi rito?" hindi sa ayaw ko sa baba pero dito na ako sanay. Baka matagalan pa ako sa pagligo kong panibagong tabo na naman ang gagamitin ko. He took a sigh like I ask him a ridiculous question. I bit my bottom lip.

"Nasa pangalawang palapag ka kung nakakalimutan mo Kayeziel. Mas mahirap kung dadaan pa ako sa hagdan sa paglagay ng tubig. Mas madali sa baba."

Right. I was like an idiot for asking him that question. Kung sa baba ay hindi na siya mas mahihirapan pa.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now