Chapter 18

3.6K 193 112
                                    

Abala man sa pag-iihaw ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander.

Ilang beses tuloy siyang napaso dahil wala ang pokus sa ginagawa.

Si Bugoy ang gumagawa noon kanina, subalit inako niya para maiiwas ang sarili sa asawa.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa natuklasan mula kay Lance.

Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi.

Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito.

Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso.

Subalit ang katotohanang hind siya nito maalala ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin.

Ibang klase magbiro ang tadhana.

Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa.

Ayon sa kasabihan ng matatanda, kamalasan raw ang ibig sabihin ng biro ng tadhana.

Kamalasan bang matatawag na nabura ang alaala niya sa memorya ni  Alexander?

She took a deep  breath nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib.

Hinagod niya iyon dahil sa pakiramdam na paninikip.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib.

Muli ay itinuon niya ang pansin Kay Alexander.

Napakasaya ng lalaki habang nakikipag-kwentuhan kila Bugoy, lola Goring at maging kay Lita.

Sa napagmamasdang tanawin ay hindi niya maiwasang makaramdam ng paninibugho.

Hindi na siya nagtaka kanina nang mamataan sa harap ng tarangkahan si Bugoy kasama si Lola Goring.

Abot-abot ang kasiyahan ng kinakapatid na batang pulis at maging ng matanda.

Yumakap agad si lola Goring pagkakita Kay Alexander.

Naiyak pa nga ito.

Si Bugoy ay ganoon rin, kahit na ka-lalaking tao ay hindi naiwasang pumiyok.

Nakita niyang tinapik-tapik ito ng asawa at dinaan sa biro ang pagiging emosyonal nito.

Sumunod ay si Lita na humahangos pa.

Katulad niya ay gimbal din ang babae.

Subalit napuno ito ng sorpresa nang batiin at bigyan yakapin ni Alexander na ikinahagulhol ng kaibigan.

Pinili niyang tumalikod upang maitago ang sakit at mga luhang nagnanais na humulagpos.

Bakit? Ang ayaw paawat na sigaw ng isip niya.

Bakit hindi siya maalala ni Alexander?

Nang banggitin ni Lance na bukod tanging siya lamang ang hindi matandaan ng asawa ay hindi niya halos magawang maihakbang ang mga paa kanina.

Pigil ang mga luha, alanganin ang ngiti na kaswal niya itong binati.

Gustuhin man niyang bumunghalit ng iyak at sumubsob sa mga bisig nito ay tila napaka-impossible.

Paano niya gagawin ang bagay na isinisigaw ng damdamin kung lagi na'y may pader na pumapagitan sa kanilang dalawa.

Umalon-alon ang kanyang dibdib.

She can't take it anymore.

Mabilis siyang tumungo sa likod bahay.

Tumaas baba ang kanyang dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon