Chapter 12

1.7K 87 8
                                    

"I love it here mommy!!!"

Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Raven. 

Nagtatalon at nagtitili pa ito sa tuwa.

WAlang pag-aatubili na tumakbo ito sa dalampasigan patungo sa dagat.

Pinaglaro nito ang mga paa sa maputing buhangin at sa mumunting alon.

Tama si Clark, Raven loves the place.

Huminga siya ng ubod ng lalim.

Pinuno ng sariwang hangin ang nagsisikip na dibdib.

Sa dami ng mga nangyari na tila unos, hindi na niya maalala kung paano ang mag-relax.

Mula ng dumating si Alexander sa buhay nilang mag-ina ay lagi na lamang siyang tensiyonado at nag-aalala.

Baka katulad rin ng kanyang anak ay kailangan niya rin ang ganitong ka-peaceful na tanawin.

Kaysarap pakinggan ang ingay na nagmumula sa karagatan tunay na nagpapakalma ito ng kalooban.

Nagbibigay ng positibong pananaw.

Bawat hampas ng  alon sa dagat ay may hatid nang 'di matawarang kapayapaan, kaluwalhatian sa kanyang pakiramdam.

Iginala niya ang tingin sa paligid.

Pribado ang lugar, kaya wala kang makikitang tao sa kung saan.

Sadyang napakaganda ng bahaging ito ng baybayin.

Tahimik ang paligid.

Presko ang hangin.

Kapaligirang ina-asam ng sinumang nais ng tahimik na mundo at malayo sa magulong lungsod.

Sa dako pa roon ng pook ay matatanaw ang isang pampang.

Kay sarap sanang maglakad sa gawi roon, upang mamalas ang tanawing hindi pa abot ng modernisasyon.

Ngunit abala na ang anak sa pamumulot ng mga kabibe.

Sadyang wiling-wili ito sa mga nakikita.

Bagay na nakapagpagaan sa loob niya.

Tama ang suhestiyon ni Dok Clark.

Malaking tulong Kay Raven ang bagong kapaligiran.

Mula sa Maynila ay mag-isang minaneho ni Alexander ang sasakyan.

Anito ay magandang mamalas ni Raven ang
mga tanawin habang sa daan.

Hindi nga ito nagkamali.

Dahil labis ang pagkamangha ng anak sa mga nakikita sa paligid.

Lihim siyang napangiti.

May Nakakatuwang bagay kasi siyang naalala.

Nang biglang dumaan ang hindi niya mawaring bagay sa kanyang mata.

Mabilis na itinuon niya ang pansin sa harapan.

Nasa passenger seat siya sa likod upang maalalayan si Raven.

Nahagip ng mata niya ang salamin kung saan ay nasalubong niya ang mga titig ni Alexander.

His face unreadable.

Hindi niya tuloy malaman Kung iiwas ba ang tingin o tutungo.

Pinili niya una. Agad siyang nagbawi ng tingin at kunwa ay inabala ang sarili sa labas.

Saktong alas-otso ng gabi nang sapitin nila ang San Isidro.

Saglit pa at narating nila ang  bahay na puti.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Where stories live. Discover now