Chapter 16

2K 117 30
                                    

Hindi na nagawang makapag-reklamo pa ni Rose.

Wala siyang nagawa kundi ang madismaya na lamang sa itinakbo ng mga pangyayari.

Tumigil na rin sya sa kapapalag dahil nagmumukha lang siyang katawa-tawa.

Wala siyang ideya kung paanong nangyari na magkakilala sila Alexander at Dusan.

Sabagay sa laki ng koneksyon ng asawa ay hindi nakapagtataka ang bagay na iyon.

Kung ang pangunahing pakay ni Alexander sa pagtungo sa Cotabato ay para kastiguhin siya, nakapagtataka ang pagiging kalmante nito.

Katunayan ay halos gustong lumundag ng puso niya nang masilayan sa muling pagkakataon ang guwapong mukha ng asawa.

Her defenses were weakened by his grinned.

For the past few weeks she had never seen him.

In her heart she longed for this man.

Buong akala pa mandin niya ay sasalubungin siya nito ng poot at galit.

Ngunit malayo roon ang ipinapakitang kilos ng lalaki.

Halos kabaliktaran.

She heaved a sigh of relief.

Gayunpaman ay nilinga niya ang paligid.

Malay ba niya kung may mga pulis nang naka-antabay sa bawat sulok ng kalsada?

Na anumang oras ay baka bigla na lamang siyang damputin.

Husme! Nagiging paranoid na siya.

Kung anu-ano nang mga negatibong bagay ang naglalaro sa isipan niya.

Kaibigan niya si Dusan, hindi naman siguro siya nito ilalagay sa balag ng alanganin.

Kanina nga ay tila nanunukso pa ang lalaki, base sa mga ginawa nitong pagkindat.

Gusto tuloy niyang pagdudahan ang katapatan nito.

Dahil mukhang ito pa mismo ang gumawa ng paraan upang makorner siya ni Alexander.

At si Alexander...

Asawa niya pa rin itong maituturing.

Siguro naman ay idadaan nito sa tamang proseso ang lahat.

Na bigyan siya ng pagkakataon na makapagpaliwanag at maipagtanggol man lamang ang sarili.

Nawa'y huwag siya nitong akusahan o husgahan na lamang basta-basta.

Katulad na lamang ng ginawa ng mahaderang si Avira.

Subalit gusto niyang kutuban. Mabuti na iyong nakikiramdam.

Bagama't alam niyang hindi ang tipo ni Alexander ang namemersonal ay minabuti niyang maging alerto sa anumang maaaring ikilos nito.

Lihim niyang tinapunan ng sulyap ang lalaki.

Napasinghap si Rose ng salubungin siya nito ng pilyong ngiti.

Sandaling napako ang mga mata niya sa kaharap na animo nahipnotismo.

His eyes. The way he looked at her is something.

Bagaman naroon ang panunudyo sa mga mata nito ay nababaghan siya sa biglang pagbabago ng emosyon niya.

At gusto niyang kabahan ng todo.

Una siyang nag-iwas ng tingin.

Kanina pagkatapos siyang maibaba ni Alexander ay hinarap nito ang  nakaparadang Ducati Monster.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Where stories live. Discover now