Chapter 14

1.8K 100 31
                                    

Isang oras na ang nakalilipas mula ng makausap niya si Lance.

Nakakainip ang bawat minutong dumadaan at naiinip na siya.

Kanina pa siya pabalik-balik sa kalalakad.

Nakailang ikot na rin siya sa oval na lamesa.

Nakakaramdam na siya ng pagkabagot.

Damn it Lancelot, what's taking you so long? Mariing bulong ni Alexander sa sarili.

Punong-puno siya ng mga katanungan.

Halos gustong sumabog ng utak niya sa mga natuklasan ngayong araw. 

Unti-unti na siyang nakararamdam ng pagkirot ng ulo.

Kahit anong pilit niyang alalahanin si Rose sa isipan ay wala siyang maalala.

He honestly can't recall one incident of meeting her.

Ano ang ibig sabihin ni Manolo sa sulat nito?

Paano niyang naging anak si Raven, kung ni minsan ay hindi sila nagtagpo ng asawa?

Imposibleng makalimutan niya si Rose kung isa man ito sa mga babaing napaugnay sa kanya.

She's exceptional.

Umangat ang ulo niya ng bumukas ang pintuan.

Lumiwanag ang kanyang mukha ng pumasok si Lance.

"I'm sorry to keep you waiting," was Lance hurried excuse.

Bigla ay nakaramdam siya ng kaba.

Inihanda niya ang sarili sa maaring malaman.

"What is it, Lance? Ano ang mga natuklasan mo?" Agarang tanong niya sa kaibigan.

Ipinatong ni Lance ang attache case sa lamesa at mula roon ay naglabas ng mga dokumento.

"Nakakagulat ang mga bagay na ito, Xander." Panimula ni Lance.

Humugot muna ito ng malalim na paghinga.

Kinuha ang isang folder na naglalaman ng mga record.

Inabot kay Alexander.

Kunot ang noong pinasadahan niya isa-isa ang nilalaman niyon.

"Iyan ang record ni Rose kung saan ay sumailalim siya for intrauterine insemination procedures sa isa sa mga hospital sa Utah.

Nakasaad diyan si Manolo as a sperm donor. You know the confidentiality of that matter. Ngunit mukhang naihanda na ng Don ang mga bagay na ito sa ganitong circumstances," wika ni Lance.

Naupo ang lalaki sa hinugot na silya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Base on the information,

Don Manolo, your adopted father, was incapable of producing a child.

Sa madaling salita - siya ay baog. "

Niluwangan ng abogado ang tie nito na animo nasasakal ng bagay na iyon.

"But you know your father kaya niyang gawing posible ang imposible. You know money talks," patuloy ni Lance.

Si Alexander ay hindi makabawi.

Gustong manginig ng mga kalamnan. 

Hindi maalis ang pagkakakunot-noo nito.

Nag isang linya ang mga kilay. 

Though hawak niya ang katunayan sa mga sinasabi ni Lance ay nagugulat pa rin sya sa mga naririnig mula sa kaibigan.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin