Chapter 17

1.8K 98 18
                                    

Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa silid.

Nang kapain nito ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander.

Tuluyang nagising ang  diwa nito at iginala ang tingin sa kabuuan ng kuarto.

Ngunit walang palatandaan ng lalaki.

Nagmamadaling inabot ni Rose  ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran.

Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-aalala sa nangyari nang nagdaang gabi.

Pinakiramdaman niya ang banyo  baka sakaling naroon lamang ang lalaki.

Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina.

Subalit walang senyales na may tao sa loob.

Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na marinig.

Agad siyang nagbihis ng mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa.

Sa kusina ay nabungaran niya si tiyang Cecil na abala sa pagluluto.

Tinapunan siya ng tingin ng tyahin nang may kahulikap na ngiti.

"OH mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ng tyahin.

Nabigla man ay hindi siya nagpahalata sa kay tiyang Cecil. Inabot niya ang termos at lagayan ng kape saka nagtimpla.

"S... Saan daw po pupunta?" pasimple niyang tanong.

May kung anong bagay na kinuha sa paminggalan ang tyahin pagkatapos ay hinarap muli ang niluluto.

Naamoy niya ang mabangong aroma ng pansit guisado. Bigla tuloy siyang ginutom.

Naupo siya sa silya at humigop ng kape.

Nakaramdam ng ginhawa nang sumigid ang init sa lalamunan.

Hinintay niyang muling magsalita ang matandang babae.

Subalit nakatutok na ito sa niluluto.

Gusto pa naman niyang malaman kung saan na nagpunta ang asawa.

Higit sa lahat ay gusto niyang alamin sa lalaki ang totoong pakay nito sa kanilang mag-ina.

Muli ay naramdaman niya ang pag-init ng pisngi sa pagka-alala sa nangyari kagabi.

Kay bilis niyang isinuko ang sarili kay Alexander.

Ni hindi nga niya alam kung ano ang motibo nito.

Ano na lamang ang iisipin ng lalaki sa kanya.

Sadya na nga ba siyang marupok pagdating sa asawa?

Gulo ang isip na hinarap niyang muli ang kape.

Nang bigla ay may mapansin sa paligid.

"Tiyang? S... si Raven po?"

Iginala niya ang tingin subalit wala ni anino ng bata sa paligid.

"Isinama ni Alexander siguro'y maglilibot. Naku kung nakita mo lang kung gaano kasaya ang anak mo nang makita ang daddy niya," kuwento ng tiyahin.

"At ang asawa mo, grabe sa yakap kay Raven, kala mo ey noon lamang nagkita ang dalawa. At pinangiliran pa ng luha. Kung bakit naman kasi nag ura-urada ka nang alis. Sana ay inayos niyo na kang ang problema niyong mag-asawa. Ayan at nadadamay pa ang bata," dagdag ng matanda.

Hindi na mawawaan ni Rose ang mahabang litanya ng tiyahin dahil bigla ay tinambol ng kung anong kaba ang kanyang dibdib pagkarinig sa sinabi nito.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Where stories live. Discover now