Chapter 8

1.7K 91 7
                                    

"Mommy!"

Hustong kabababa lang ni Rose ng sasakyan nang marinig ang maliit at matinis na boses.

It's Raven, her five year old adorable daughter.

Tumakbo ang bata palapit sa kanya upang salubungin siya.

Cute na cute ito sa suot na maong jumpsuit na may character ni Dora.

Medyo may kabilugan ang pangangatawan ng anak niya na nagpapakitang malusog itong bata.

Awtomatikong lumabas ang cute dimples nito sa mabilog at mamula-mulang pisngi.

Naka-pigtail ang may kahabaan nitong buhok na may mga maliliit pang ipit.

Sa likod ay nakasunod ang tagapag-alaga nito na si Carol.

Tumatagaktak ang pawis sa noo ng babae, mukhang napaglaruan na naman ito ng alaga.

Napapailing na sinalubong ni Rose ang anak.

"How's my lil girl?" Aniya.

Inabot niya ang dalang bag kay Carol at lumuhod upang mayakap si Raven.

"I'm super-super mabait po today. Yaya would have to prove it mommy. Come on ask her," ang bibang sagot ng anak niya.

Hinalikan niya ang anak talagang binobola siya nito para lamang sa tawag ng French fries.

Kinarga niya ang bata at isinama pabalik ng sasakyan.

Kinuha niya mula roon ang Chicken Mcdo with bff fries na paborito ng anak.

Tuwang -tuwa si Raven na nagtititili pa. Pinupog siya nito ng halik sa mukha.

Kumawala agad ang anak at mabilis na binitbit ang dala niyang pasalubong.

Paglabas niya ng opisina ay dumaan siya ng Mcdo para mag-drive thru.

Ilang araw na iyon inu-ungot ni Raven at naisip niyang pagbigyan na ang anak.

"Hi!" Nakangiting bati niya kay Don Manolo habang nakasilip sa dahon ng pinto ng kuwarto nito.

Dumiretso siya ng silid nito upang kumustahin ang kalagayan ng matanda, lalo na at may mga nakaabot sa kanyang mga sumbong.

Mula sa binabasang libro ay umangat ang mukha ng Don.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito.

Tinanggal ng matanda ang salamin at sinenyasan siyang pumasok.

Don Manolo is in his mid 80's.

Sa kabila ng edad ay matikas pa rin at banaag ang pagiging magandang lalaki.

Medyo nahulog nga lang ang katawan gawa ng karamdaman nito.

Sabagay ng mga panahong bago pa lamang niya itong nakikilala ay tila ito si Pierce Brosnan ng The Golden Eye.

Walang hindi mahuhumaling sa Don.

Tikas at tapang na personalidad ang nagbunsod dito upang mag maging isa sa mga pinakamayamang tao sa bansa.

Ang karakter nito ay yaong mga masarap sandalan.

Mga uri ng tao na dadalhin ka sa pedestal.

Nakilala niya si Don Manolo Zaavedra sa isang charity work sa kanilang lugar sa Tondo.

Tumayo itong guest speaker sa pagtitipon.

At hindi biro ang binitawan nitong halaga bilang tulong sa mga naghihikahos na katulad nila.

Doon ay kinakitaan niya ng interes ang matanda.

Naging napakagiliw nito sa kanya.

Katunayan ay inalok pa sila ng tiyahin niya na magtrabaho para rito.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat