Chapter 1

1.6K 252 374
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction Names, Places, Characters, Events, Businesses, and Incidents are either products of Author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is purely coincidental.

Meet Caleb Manazanero

Meet Caleb Manazanero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Meet Lorraine Skarlet

Kasalukuyan akong nandito sa mall para tumingin ng mga bagong labas na damit sa isang sikat na botique

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyan akong nandito sa mall para tumingin ng mga bagong labas na damit sa isang sikat na botique. Marami na 'kong napili na dress and shoes, pero wala pa rin ang pinsan kong si Veronica. Hindi na 'ko nakatiis at tinawagan na siya.

"Where are you, 'couz?" Tanong ko habang tumitingin pa rin ng mga damit. Ang dami kasing magaganda sa shop na 'to, eh.

("On the way na 'ko.") Ang bagal talaga kumilos ng pinsan ko. Sobrang hinhin kasi kaya ganoon.

"Okay, bilisan mo," Nang wala na 'kong mapiling damit, pumunta na 'ko sa counter para magbayad pero may apat na taong nakapila sa unahan kaya sa likuran ako ng isang lalaki pumila. Naririnig ko pa ang sinasabi niya habang may kausap sa phone.

"What!? No way! I have something to do!" Hindi ko mapigilang hangaan ang manly niyang boses.

"I said no!" Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya dahil mukhang pogi rin ang mukha nito panigurado.

"I said no!" Lihim akong natawa nang dahil sa kasungitan niya. Mas lalo tuloy akong na-curious.

"Fine, fine! I'll buy you some," napuno na siguro siya kaya pumayag na lang. Humalakhak naman ako nang malakas kaya dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin. Binalik ko naman agad ang tingin sa phone ko, at nagpatay-malisya. Hindi ko pinansin ang mukha niyang nakatingin pa rin sa akin, at kunwaring tumatatawa nalang habang nakatingin sa phone ko para mag-mukhang totoo.

"Good Afternoon, Sir." Malanding saad no'ng kahera. Napa-irap naman ako dahil doon. Akala mo maganda, hindi naman

'Yung lalaki na pala ang nasa counter ngayon. Mabilis niyang binayaran ang binili niya, at agad ding umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang tuluyan na siyang makalabas ng shop.

Chasing A Masungit ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon