"Mas matakaw ka pa kaysa kay Lev. Lagi kang nagugutom." I said to her as I let her drink milk from me.

Tumahimik na ito at hindi ko mapigilan na titigan siya. Sa huli ay nailing na lamang ako. Finollow ba ako ni Deus para makilala niya ang mga anak namin?

Simula nang tumigil ito sa pangungulit sa bahay ay hindi na kami nagkita hanggang sa manganak ako. Sa totoo lang masama ang loob ko dahil mabilis siyang sumuko sa akin tapos hindi ito nagparamdam man lang sa kambal. Sila Tita Charlotte naman ay minsan nang nakita ang kambal at hindi ko makakalimutan ang pagkasabik sa mga mata nila at ang galak na nakita ko kay Tito Chase.

Pero siya? Hindi ko alam kung may pake siya sa akin o sa mga anak man lang niya. Naiinis ako na ganon lang kung tratuhin niya ang mga bata. Kahit hindi na ako, sila na lang. Ganon ba talaga siya ka loyal kay Leana? Kawawa lang pala ang mga anak ko sa oras na magkaanak silang dalawa. Tama na lang rin siguro na hindi na sila magkakilala pa.

Nag-ayos ako ng sarili ko saglit at binihisan ng bagong damit si Tori bago bumaba ng hotel at nagtungo sa Isla Garcia Restaurant. May ilang turista ang bahagyang napapalingon sa gawi ko ngunit inignora ko na lamang ito.

Pagkapasok ko pa lamang sa restaurant ay naagaw na agad ng pansin ko ang mahabang table kung saan magkaharap na kumakain ang buong pamilya ko kasama si Taylor at ang boyfriend nitong si Dylan.

"Oh andiyan na pala si Tori." Cute na sabi ni Taylor nang makita ako na dala ang anak ko.

Ngumiwi naman ako. "Si Tori lang talaga napansin niyo ah."

Tumawa naman sila. Tinuro sa akin ni Koko ang upuan ko na katabi ng kay Lux at agad naman akong umupo sa puwestong iyon.

"Savi?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Isang taon na mahigit na hindi ako nairita sa boses na iyon pero alam na alam pa rin nitong painitin ang dugo ko.

Nakatingin naman sa akin sila sa akin at maski si Lux ay hindi gusto ang presensiya nito. Anong ginagawa niya dito?

"Leana."

Lumawak ang pagkakangiti niya at lumapit sa table namin. Naka-beach dress pa ito at may dala-dalang bag na mahahalata mong mamahalin iyon. Lihim akong napairap.

Deus is spoiling her, huh. Good for her.

"Wow, so nice to see you here. Ang tagal na rin kitang hindi nakita. Balita ko ay balik showbiz ka na kung sakaling makatanggap ka ng project." Aniya sa akin na animo'y ka-close ko noon pa.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa kaniya.

"Yes. How about you?"

Narinig ko ang pagsinghap niya nang makita ang kambal.

"Oh wow, kambal pala ang anak mo? Ang cute nila!" Giliw na giliw na sabi nito. Nag-iwas naman ng tingin si Taylor at kita ko ang pasimpleng pag-irap nito. Si Koko naman ay bumubulong kay Lux at sigurado akong nagtatanong ito tungkol kay Leana. Hindi naman kasi niya kakilala.

"Of course, kanino pa ba magmamana? Sa---"

"Kay Deus sila nagmana! Ang gagandang mga bata."

Natahimik naman ako. Hindi namin basta-bastang sinasabi ang pangalan ni Deus dahil hanggang ngayon ay sensitibo pa rin sa parte namin ang nangyari sa nakaraan.

Tumikhim si Daddy kaya naman nahihiyang tumingin sa kaniya si Leana. Bumuntong-hininga na lamang ako. Bakit ba kasi nagtagpo pa ang landas namin ni Leana ngayong balak kong magrelax sa lugar na ito? Tsk. Wrong timing naman.

Si Victoria ay gumalaw sa bisig ko kaya inayos ko ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"As you can see, we're having fun here. Hindi ka ba nagmamadali? Baka hinahanap ka ng kasama mo." Tanong ni Lux sa kaniya. Gusto kong palakpakan si Lux dahil napaka-casual nito sa pagkausap kay Leana samantalang hanggang ngayon ay kinakalma ko ang sarili ko.

Leana reminds me of everything I don't want to remember about myself. Kapag nakikita ko siya ay hindi ko maiwasan na ikumpara ang sarili ko dahil siya ang pinili, siya ang panalo.

Nahihiyang ngumiti naman si Leana.

"Actually, I'm waiting for him. Nagpaalam siyang may bibilhin saglit so nauna na ako dito sa restaurant. Hindi ko naman ine-expect na makikita ko kayo dito. What a small world 'di ba?"

Him? Napatingin si Lux sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Lalake ang kasama niya ngayon? Tila umiikot ang ulo ko sa daming tanong at posibilidad na naiisip ko.

Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na malam ko na siya pala ang lalakeng hinihintay ni Leana na dumating. Damn it.

"Savi." Mahinahong tawag sa akin ni Mommy.

"Hmmmnnn..." Naglumikot pa lalo si Victoria sa bisig ko.

Bumuntong-hininga ako. Bakit ba nagwawala na naman ang puso ko?

"Leana!"

Tumigil ang mundo ko nang lahat kami ay mapalingon sa baritonong boses na iyon na tumawag kay Leana. Halos hindi na ako huminga nang makita ko siya.

Kumaway sa kaniya si Leana at unti-unting tumingin ito sa amin dahilan para matigilan ito.

"Savi..." Anas niya sa pangalan ko bago bumaba ang tingin niya kay Victoria.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kusa na lamang nalaglag ang luha sa mga mata ko kaya bago pa man niya iyon makita ay nag-iwas na ako ng tingin at pinunasan ito.

Huminga ako nang malalim at hinarap siya.

"It's been a while, Deus."

Hindi ito makapagsalita at mapakla lamang akong napangiti. Nawalan na ako ng gana na kumain. Alam ko rin na ramdam ngayon nang lahat ng nasa table ang tensiyon sa pagitan naming tatlo.

Tumayo ako.

"Ipadala niyo na lang sa kuwarto ko iyong pagkain. Hindi na ako kakain dito. Pasuyo na lang rin, iakyat niyo si Lev dahil kailangan ko rin siyang patulugin kasama si Tori." Seryosong sabi ko. Napabuntong-hininga pa ako dahil mukhang inaantok na si Lev habang nakayakap kay Daddy.

Tahimik silang lahat pero si Lux ang tumango sa akin. Dala si Victoria ay iniwan ko sila doon upang bumalik sa silid ko.

"Savi." Tawag sa akin ni Deus bago pa ako tuluyang makaalis.

Huminga muna ako nang malalim bago ito hinarap.

"What?" Malamig na tanong ko.

Nakita ko ang lungkot na dumaan sa mga mata niya.

"They are my children."

"Really, Deus? After a year without hearing anything from you, iyan lang? I don't give a fuck about you anymore tapos bigla na lang tayong magtatagpo. You should know how much I despise you as an irresponsible father of my twins." Inis na sabi ko sa kaniya at hindi na siya nakapagsalita pang muli.

Bahagya namang tumaas ang kilay ko sa inakto niya ngunit tinalikuran ko na siyang tuluyan.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now