CHAPTER 12

859 26 4
                                    

CHAPTER 12

Hurts so Good

Savi.

"Do you think your plan will work out?" Taylor asked as she sipped on her milk tea.

I sighed. "I don't know. I just want this to be over."

"Both of you are actually running away."

"I know but this is easier than dealing with his issues against me. At least kahit hindi kami magpansinan, hindi maaapektuhan ang pamilya ko." Sagot ko sa kaniya.

Hindi rin naman naging madali para sa akin na basta-basta na lang magplano ng ganon kadelikado at kakumplikadong paraan para lusutan ang problema namin ngayon.

"Tsk. Boss was really disappointed about this. Kung kailan nandiyan na ang offer tiyaka naman nagkanda-leche-leche ang buhay mo."

Napangiwi ako. "I'm not mad about the baby. I was shocked and surprised but I don't blame my baby at all since this is my own mistake. I just regret the fact that he or she won't be able to have a nice father figure in the future."

"That's so childish. Napakakitid ng utak ni Vergara. Ayaw niyang harapin ang responsibilidad niya sa'yo."

"He's blaming me."

"Exactly. Kagaguhan." Irap na sabi niya sa akin at huminga nang malalim.

Wala naman akong magawa kundi tanggapin lahat ng sinasabi ni Deus dahil kasalanan ko rin naman.

"I'm just worried about my child's future. You know, kumpleto ang pamilya ko. I have a loving parents and an amazing twin. I'm afraid I can't raise him well." Nag-aalalang sabi ko. Nitong nakaraang araw ko lang napag-isip-isip ang bagay na iyon.

"He'll be fine as long as you will do your best to be a mother. Hindi naman siguro siya magkukulang sa pagmamahal since Tita Sam and Tito Vius will be worderful grandparents."

Nakahinga ako nang maluwag. Sana nga ganon lang kadali ang lahat. Sana sapat na ang atensiyon mula sa akin at sa pamilya ko para mapunan ang pagkukulang ng Ama niya.

Hanggang ngayon naninikip pa rin ang dibdib ko sa isipin na hindi pa rin tanggap ni Deus ang batang dinadala ko.

"Alam mo kung anong dapat alalahanin mo? Iyong career mo at ang mga gossips na lalabas pagkatapos lumabas ng issue na buntis ka at ang anak ng dating famous model na si Mrs. Charlotte Vergara ang ama ng pinagbubuntis mo."

I hissed. Kumirot ang ulo ko dahil doon. Oo nga pala at hanggang ngayon ay madunog pa rin ang pangalan ni Tita Charlotte sa modelling industry kahit na matagal na siyang huminto sa pagmomodelo dahil katulad ni Mommy ay pinili niyang asikasuhin ang pamilya niya kaysa magtrabaho pa.

"I'm fucked up."

"Glad to know that you're aware of it."

Umirap ako sa kaniya. "I've paid already the entertainment for cancelling the contract but it doesn't end there. May mga issues lang talaga na mahirap lusutan gamit ang pera."

"Hindi lang naman kasi sa pera at sa isang tao dapat umikot ang buhay mo, Savi. You've been through a lot ever since you entered this world. Hindi ka marunong mag-express ng nararamdaman mo sa maayos na paraan, nagtatapang-tapangan ka kahit na sa loob-loob mo ay mahina ka. You're just wearing mask that will show them that you're strong but insede of that mask is the broken Savi Hannah Labrusca that no one knows."

Tumagos sa puso ko ang sinabi ni Taylor.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"You must learn to love yourself then find a better life. Tama rin siguro na nangyari ito. You always smile at the camera and hiding pain behind it. It's time for you to rest and be yourself."

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now