CHAPTER 14

781 20 4
                                    

Chapter 14

Hurts so Good

selimwarrior

Savi.

"How about this, Savi-chan?" Tanong sa akin ni Koko habang pinapakita sa akin ang isang gown na napili niya.

Kumibot ang labi ko habang nakatingin sa pulang gown na hapit na hapit sa katawan ko at napabuntong-hininga na lamang.

"Alam mo ba na buntis ako? Medyo may umbok na ang tiyan ko dahil mag-aapat na buwan na akong buntis tapos pagsusuotin mo ako ng ganiyang gown?" Naka-facepalm na balik na tanong ko sa kaniya.

Napakamot na lamang siya ng ulo at napailing.

"Eh? I'm not used on picking clothes for pregnant woman so bear with me. I just want to help you and Lux-sama for the preparation of your birthdays."

Ibinalik ni Koko ang damit sa lalagyan at muling pumili at sa pagkakataong ito ay isang kulay abong gown naman ang napili nito na sasakto na sa katawan ko.

Napangiti ako nang iabot niya sa akin iyon.

"Is that fine?" She asked.

Tumango naman ako habang sinisipat ang detalye ng gown. Simple lamang ang disenyo nito at may maikling slit sa kanang parte nito.

"You always wear good clothes because you're a model. I'm not that good with fashion but I guess this gown caught your interest." Natutuwang aniya.

"It's nice, Koko."

"Arigatou. I'll take that as a compliment, Savi-chan."

Ngumiti ako. "Then I should choose a gown that will make Lux fall for you again."

Napanguso na lamang siya. I know Lux is avoiding her ever since that lunch happened. Lux is silently guiding his heart. He's trying to protect his heart for further damage.

"Do you think Lux hates me?" Biglang tanong ni Koko.

Natigilan ako. Hate?

Mapakla akong napangiti. Deus hates me. He hates me so much and it's already unbearable for me. I'm so pathetic. Pinipilit kong mag-move on kahit nahihirapan ako.

"It's Lux. He's a soft person. I don't even think that he will come to hate you, Koko."

Koko is so lucky. How about me? Lagi na kaming nagkikita ni Deus at magkakaanak pa pero parang wala lang naman sa kaniya. Nagsasama pa kami sa iisang bubong pero madalas itong umaalis sa bahay and who knows kung saan siya pumupunta? Baka kasama niya si Leana at lihim silang nagkikita.

That thought shattered my heart into pieces.

Narinig kong napabuntong-hininga si Koko.

"I'm relieved. I really thought that Lux hates me. I'm always selfish and always put my dreams first before him."

Nag-iwas siya ng tingin at mapaklang ngumiti.

"I'm actually afraid to face him since he might forget about me already."

Natawa naman ako nang mahina sa sinabi niya.

"How about you, Koko? Why don't you just stay with my twin? Why do you have to hurt and leave him for your dreams?"

She seems caught on guard about my question.

"I-It's hard for me too. Lagi kong iniisip kung masaya pa ba si Lux sa relasiyon namin. Lagi akong wala sa tabi niya pero napaka-understanding niya. Nakokonsensiya ako dahil doon. Bakit ba hindi na lang siya magalit sa akin? Sabihin niya kung anong gusto niyang sabihin. He's always holding back when it comes to me. He's too good for me and I hate that I can't be a perfect girlfriend for him."

Hurts so Good [✓]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu