Chapter 10: Hydrophobic

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hoy! FYI! Hindi naman ikaw ang pinupunta ko sa cafe ng mama ko!"

"Yeah, right."

"Sabi nang hindi, e!"

"Suit yourself!"

"Ibrahim!"

Tumayo na siya pagkatapos punasan ng tissue ang labi at isinukbit sa balikat ang leather sling bag niya. Agad ko naman 'ding kinuha ang bag pack ko at sinundan ko siya palabas ng fast food.

Noong palabas pa kami ay nakita ko ang iilang babaeng binabali ang leeg para lamang masundan siya ng tingin. Samantalang siya ay deretso at poker face lamang ang mukha.

Iba 'rin naman talaga ang lalaking ito!

Habang nasa loob ng sasakyan niya ay tahimik lamang akong tumutingin sa labas habang pabalik kami ng Katipunan.

Hindi siya nag-papatugtog ng kahit ano. Isang kamay lang ang gamit niya habang minamaneho ang sterring wheel.

"I told you, quit staring." Nakita ko pa ang pag-irap niya sa sinabi niya. Agad kong inilihis ang tingin ko at itinuon na lamang ang tingin sa labas ng windshield ng kotse.

"You better drive safely." Saad niya ng maihatid niya na ako sa parking space ng kotse ko. Marahan naman akong tumango sa kanya habang siya ay tinitignan lamang ako ng mabuti.

His height makes him a tower over me. Those twilight eyes penetrating my being. Habang ang labi niya ay nasa isang linya. As if stopping himself to say something.

We stayed there, standing. Facing each other. For a little... little while.

"I'll be going." Saad na niya.

"Okay." Nahihiya kong saad ay napahawak sa ibaba ng tenga ko.

"Okay."

"Okay."

"See you tomorrow." He whispers bago tuluyang tumalikod sa akin.

Ako naman ang natanga sa kinatatayuan ko dahil sa binulong niya. Hindi ako nagkamali ng dinig! Sinabi niyang magkikita kami bukas!

Hindi naman sa excited ako! Natutuwa lang ako na nababantayan ko siya para gumawa ng mabuti.

He's actually not that bad! Puro lang talaga siya mura at kasungitan sa katawan. He's one-fourth human, one-fourth fuck, one-fourth rolling eyes and mean personality plus another one-fourth of his OCness and cleanliness as a person.

Kahit noong nakauwi na ako at kumain na kasama ang mga magulang ko ay hindi ko maalis sa akin ang katiting na tuwa dahil sa kabaitan ni Rahim. Naalala ko pang hindi niya 'rin ako pinagbayad!

Wow! So much for a very tiring day!

"You okay, Monique?" Napalingon ako kay Mama na ngayon ay nangangati ang ilong dahil sa amoy ng pintura ng bahay.

"Yup, Ma." Sagot ko habang pinupunasan ang pinggan.

We have this mother and daughter habit and bonding of washing the dishes after dinner.

How Do We Live?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon