"Tuwang-tuwa ka sa kambal."

"Obvious ba? Sobrang nakakatuwa sila. Makita ko nga lang sila ay tanggal na ang pagod sa katawan ko sa tuwing stress ako sa trabaho."

"Savi."

"Hmmm?"

"Maghihintay ako, kapag okay na."

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya at napalunok. Nagbaba ako ng paningin ko.

Matagal ko ng napapansin ang hinay-hinay na pagpaparamdam sa akin ni Riex pero pinilit kong ignorahin ang mga senyales na iyon dahil mas lalo akong maiilang sa kaniya. Hindi ko talaga lubos maaatim na tanggapin ang nararamdaman niya para sa akin dahil kaibigan siya ni Deus.

Iyon na nga, magkaibigan sila kaya dapat sensitive na siya sa ginagawa niya. Sumasakit lamang ang ulo ko kakaisip kung gaano kakumplikado ang sitwasiyon.

"Riex, wala kang aasahan sa akin." Malumanay na pandederetsa ko sa kaniya. Oo at wala na akong plano na bumalik sa kaibigan niya pero respeto na lang sana sa pinagsamahan namin.

Nakita ko kung gaano nanlamig ang ekspresiyon nito.

"Deus is already out in your life so why not let me in, Savi?"

Ngumiwi ako. "Kung ano man ang nararamdaman mo sa akin, salamat pero wala akong balak na tugunin iyan."

Nanatili ang malamig na ekspresiyon nito habang nakatingin ng seryoso sa akin. Nakaramdam ako ng bahagyang kaba at konsensiya sa paraan ng pagtingin nito sa akin.

"No, Savi. Hindi ako titigil."

Tumayo ito at muling ngumiti sa akin. Iyong ngiting bigla na lamang nagdala ng kuryente sa katawan ko at nakaramdam ng maliit na takot.

"This time, I'll make you choose me." Determinadong sabi niya bago ako tinalikuran at tuluyang umalis.

Napayakap na lamang ako kay Lev at napapikit. I don't want to get involve with him.

Mabilis na lumipas ang araw at Lunes na ngayon. Nakaimpake na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa Nella Aryz. Nagvolunteer si Koko at Lux na titingin sa kambal sa isla kapag oras na ng photoshoot ko. I'm really happy for the both of them.

Umalis last year si Koko pero pagkaraan lang ng tatlong buwan ay bumalik na siya agad dito para magbakasiyon. Malapit na rin siyang mag-take over sa pagpapatakbo ng kumpanya nila. Aalis na siya sa pagiging volleyball player sa team na kinabibilangan niya sa Japan. Sinabi niya sa akin na mamimiss niya ang mga laro niya sa iba't ibang bansa pero mas manghihinayang siya kung hindi na siya magsesettle down.

Tsk. Kung alam ko lang ay gusto na rin nilang magkapamilya at naiinggit sa akin. May isang laro pa si Koko bago tuluyang umalis sa Japan at manatali na dito kasama si Lux.

Narinig ko ang tili ni Koko habang inaayusan si Victoria. Binalingan ko naman siya habang buhat naman ni Lux si Lev.

"Ang cute talaga ng pamangkin ko." Tuwang-tuwa na sabi niya habang halos magningning ang mata niya habang nakatingin kay Victoria sa suot nitong pink na damit samantalang blue naman kay Lev.

"Feel na feel mo na talaga silang tawaging pamangkin."

Tumawa naman siya. "Pahiram ng mga anak mo. Pag namamasiyal kami ni Lux na karga iyang kambal, maraming nagsasabi na bagay na bagay talaga kami at ang ganda daw ng lahi namin kaya maganda at gwapo rin iyong mga anak namin."

Ngumiwi ako. "Scam kayo."

"Grabe ka sa amin!" Aniya at tumawa.

"Hihintayin kong makita ang pamangkin ko sa inyong dalawa."

Natahimik naman si Koko at pinamulahan ng mukha. Tiningnan ko naman si Lux na nakangiti lamang habang nakikinig sa usapan namin ng girlfriend niya.

"Twenty four na kayo. Galaw-galaw na para makarami."

Umingos si Koko. "Ikaw nga nakarami na."

Inirapan ko siya. Hindi na ako nagsalita pa at baka labanan ng jowa, wala akong laban doon.

"Lux, tinanong mo ba sila Mommy kung anong araw sila bago sumunod doon?" Tanong ko sa kaniya.

Sinabi kasi ni Mommy na papasiyal sila doon. Namiss na daw nila doon lalo na at doon sila muling nagkita ni Daddy at doon daw talaga nagbloom ang love story nilang dalawa.

Nakapunta na rin naman na ako sa isla ng Nella Aryz pero medyo matagal na rin kaya excited na akong makita ang pinagbago ng isla. Narinig ko na madalas daw doon ang babaeng anak ng mga Garcia dahil busy ito sa pagsasaayos ng mga pasilidad para mas lalao pang gumanda ang buong lugar.

"Bukas na bukas ay nandoon na rin sila."

Muli naming chineck ang mga gamit na dadalhin namin bago tuluyang umalis ng bahay.

Kinunan ko ng litrato ang mga gamit ko at ipinost ito sa instagram ko.

@savihannah : Gonna have fun with kiddos.

Madalang lang akong magpost sa instagram ko kaya inasahan ko na ang daang-libong likes na natanggap ko sa ilang minuto lamang mula ng ipost ko iyon.

Isasara ko na sana ang instagram ko nang maagaw pansin ng mata ko ang isang notification.

@vergaradeus started following you.

Halos manghina ang tuhod ko sa nakita ko na sinundan pa ng comment nito.

@vergaradeus: Enjoy. sys.

SYS?

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko pero kinalma ko ito at huminga nang malalim.

Finollow ka lang niya, Savi. Why are you freaking out? Madami ngang sikat na models at artista na nagfofollow rin sa'yo pero hindi ka naman shock na shock doon. Si Deus lang iyan, kalma.

Pinatay ko na lamang ang cellphone ko.

Hurts so Good [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon