Hating the woman hater

35 4 9
                                    

'Wag mo akong sisisihin kung mahulog ka saken.'

Kahit pilitin kong magkunwari, sobrang nababagabag ang sistema ko at hindi ako makapagfocus sa pagbabasa at pagintindi sa mga librong binili ko. Buti nalang at holiday ngayon at walang pasok. Parang sirang CD, paulit ulit na nagrereplay sa memorya ko ang mga salitang yun ni Kuya Leon. Kaya naman pauli ulit ko ring nirewind sa utak ko ang mga pangyayare kahapon na dahilan at humantong kami sa eksenang yun. Ano bang ipinakita kong motive?

'Pero meron pa namang isang date.'

Parang isang malaking batok ng maalala ko ang sinabi kong yun. Ano bang naisip ko! Mula sa study table, inihagis ko ang katawan ko padapa sa kama at inuntog ang ulo ko sa unan. Napatingin ako sa upuan sa may tokador ko kung saan nakalagay ang flowers at teddy bear na binigay niya saken. Umungol ako at nagsisipa sa kama.

Hindi ako dapat masiyahan at kiligin dahil lang sa maliliit na bagay na ito. Bumangon ako sa kama at pumosisyon na harap ang salamin ng tokador ko.

Tama. Masyado ka lang inosente Mila. First time kasing merong mag approach sayong lalaki tapos gwapo pa, tapos gentleman pa, mabait pa, malakas ang appeal... nasapo ko ang noo ko ng marealize na isa isa kong nililista lahat ng good points niya.

Umiling iling ako. This is only Professional Curiosity. Binasa kong mabuti ang boundaries ng doctor-patient relationship.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko, text ni Cyber. Nagyayaya na siya para manood ng movie. Movie buddies kasi kami, nakagawian na, everyday nanonood kami ng movie sa sine or sa bahay. Pero wala ako sa mood makipagmeet sa kahit sinong Di Magiba ngayon. Tinurn down ko siya gamit ang excuse na sumama ako sa parents ko na umalis ng bahay. Alam ko kasing mapilit siya at least dun wala na siyang magagawa. At dahil dito naisipan kong magmarathon ng mga horror movies magisa. Na isa na naman atang maling desisyon dahil gabi na raw makakauwi sila mama at papa. Ito rin ang isa sa mga moment na bigla kong namimiss ang mapanukso kong kuya na nagindependent na. Naququestion ko rin kung bakit hininto ng parents ko ang pagmanufacture ng bata para sana may kapatid akong kasama pag wala sila sa bahay.

Sa kabila ng pagiisip ng lahat ng bagay na yun, patuloy ako sa panonood ng 'As Above so Below'. Sa kabila ng madilim na setting ng movie at anticipation ko kung mamamatay ba lahat ng mga characters, tamang tama ang timing ng pagkulog sa eksena. Napasigaw tuloy ako at napatay ang TV ng di oras.

Pagkatapos kumalma, napagisip isip kong mukhang yun na ang hudyat na itigil ko na ang panonood. Dun ko narealize na wala nga pala akong pagkain para sa dinner. Na nagbilin ang parents ko bago sila umalis na bumili nalang ako ng pagkain sa labas. Sumilip ako sa labas at madilim na, mukhang uulan pa. Dinala ko ang isang folding umbrella bago nagdesisyon na lumabas ng bahay para bumili ng makakain.

Kapag nga talaga galing ka sa panonood ng horror movie, marami kang narerealize sa paligid. Gaya nalang na sobrang dilim pala ng eskinita palabas ng subdivision namin! At bakit may punding poste ng ilaw? San nila dinadala ang binabayad namin pang maintenance?

Pagdating sa labas ng subdivision, magttricycle na talaga ako!

Habang naglalakad sa madilim na eskinita, napansin ko ang anino na meron na palang naglalakad na lalaki kasunod ko. Mabagal lang ako maglakad kaya naman nakakapagtaka na nakasabay ito sa likod ko at hindi nauuna saken. Inumpisahan na akong kabahan. Kinuha ko mula sa bulsa ang cp ko at binuksan ang selfie cam para palihim na tignan ang lalake sa likod. Nakita kong nakaitim ang lalake mula ulo hanggang paa, nakabonet ito at may facemask na itim rin. Nanginig akong hawak ang cp. Nagumpisa akong magpanic at hindi alam kung kokontakin ko na ba si kuya? Nanginginig ng itext ko si kuya pero ng isesend ko na ang message, nagexpired na pala ang subscription ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Nagbalik alaala saken ang lesson namin sa pagdetect ng mga tao.

DI MAGIBAWhere stories live. Discover now