Love at First Sight

10 3 2
                                    

Dahil siguro sa Psychology na course ko kaya hindi na talaga ako natitinag sa kaguwapuhan ng mga lalake. Naappreciate ko ang kagwapuhan nila pero hindi na ako gaya ng iba na agad nafafall pero literal ang pagkahulog ko nang makilala siya.

Kabababa ko lang sa terminal sa SM at papunta na sa entrance ng Mall. Masyadong conscious at inayos pa ang ribbon ng dress ko kaya naman ang ending naout of balance ako sa heels ko na hindi ko na maalala kalian ko huling sinuot. Pero imbis na saluhin ng sahig, sinalo ako ng isang lalake kaya sa kanya ako napayakap. Agad naman ang tingin ko at kahit gaano pa siya kagwapo, by reflexes parin akong pilit tumayo para mapalayo sa kanya.

"Sorry po." Hinging tawad ko na hindi maalis ang titig sa kanya. Naka short sleeve polo ito at maong shorts. Iyong humble tignan na porma. Kahit hindi todo porma eh makikita mong gwapo siya.

"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango naman ako. "Thank you po." Ngumiti naman siya at sinisilip ang paa ko.

Sa normal na sitwasyon ng mga hindi magkakilala eh dapat lalagpasan na niya ako at magpapatuloy na sa buhay niya pero nakita ko ang concern niya. Hindi naman ako kagandahan para alalahanin niya kaya napakunot ako ng noo. "Una na po ako." Paalam ko at humakbang ng isa para mauna pero sadyang traydor itong sandals ko. Marahil naghihiganti siya dahil matagal ko siyang itinambak sa shoe shelf. Mabilis naman ang pagalalay saken ni kuyang gwapo na nga ang bait pa.

"Sira na ata ang sandals mo." Pagpuna niya kaya naman hindi ko na ininda na nakasandal ako sa kanya at ginamit na ang pagkakataon na iyon para suportahan ang sarili ko at iangat ang paa ko para tignan ang heels. Doon ko narealize na nakaangat na ito. Kasabay non ang realization na napapatingin na sa amin ang mga dumadaan. Kaya naman gamit ang isang paa ko, sinuportahan ko ang sarili ko para makatayo ng maayos. Sanay naman akong suportahan ang sarili ko eh.

"Mukha ngang umangat na siya." Alanganing sabi ko na inabot ang sandals ko para hubarin. Mabilis ang pagalok niya ng braso niya para alalayan ako. "Maupo tayo doon para maayos mo ng mabuti." Pagtulong niya saken.

"Hindi, okay nap o. Thank you." Hindi ako pabebe okay, sadyang alam ko lang na hindi ako basta basta dapat sumama sa mga strangers gaano man sila kagwapo.

"Tulungan na kita." Pagpilit naman niya na siya nang humawak para alalayan ako. Chansing ito ah! Kung hindi lang ako nakadress tatadyakan ko na! "Okay lang." pilit kong paglayo pero naginsist parin siya. Anong deal ng lalakeng ito? Napasunod nalang ako para ng sa gayon matapos na.

Ng makaupo kami, nagulat ako ng tumingkayad siya para abutin ang sandals ko. Aba teka nga anong galawan ito? Hindi naman kami magkakilala ah!

"Mahilig sa high heels ang mama ko kaya alam ko ayusin ito." Pagassure niya na naglabas ng mighty bond glue. Wow boyscout!

Tsaka siya naupo sa tabi ko at dinikit iyon.

Gaano man siya kagwapo, nakakapagtaka parin na napaka friendly niya. Ano bang nakita niya saken?

"Thanks kuya, naabala ka pa." kahit duda ako sa kanya, marunong naman ako magpathank you no.

Bumaling siya saken para bigyan ako ng matamis na ngiti, "Okay lang."

Aaminin ko, malakas ang effect ng smile niya.

"Bakit ka kasi nagpilit magsuot ng heels?" comment niya tsaka pinukpok ang heels ng sapatos ko sa kinauupuan naming para magdikit. Feeling close si kuya. Nginitian ko nalang siya ng alanganin.

"Ngayon lang kita nakitang nagheels." Nakangiti niyang inabot saken ang sandals ko.

"Stalker ka ba?" mabilis ang paglabas non sa bibig ko. Mukhang iba na kasi ito eh.

DI MAGIBAWhere stories live. Discover now