Too good to be true

7 1 0
                                    

These past week, steady ang improvement ni Leon. Magkakatabing nakaupo sa sofa sa loob ng office sa bahay ng Dimagiba si Mila at Leon. Tinititigan ni Mila si Leon na busy sa pagsign ng mga documents at checks. Inabutan niya ito ng isang stick ng pocky para kainin habang nagsisign na wala naman nitong alinlangang kinagat.

Napaisip siya na walang problem si Leon sa intimacy ng pagshare ng pagkain. Naalala niya ng gawin niya rin iyon sa cotton candy noon. Hindi rin siya nagreact noong halikan niya ito sa kamay. Nagkaroon siya ng sudden realizization; hindi kaya nakadepende ang triggers nito kung maramdaman niya ang intimacy na makakapag arise ng sexual drive niya? Nabasa niyang merong mga erogenous parts na pwede magarise ng sexual drive. Kailangan niyang subukang hawakan ang mga iyon?!

Nabitawan ni Mila ang hawak niyang box ng pocky sa kalibugan ng pagiisip niyang iyon. Naagaw naman nun ang atensyon ni Leon. "Okay ka lang?" tanong nito sa kanya. Nahiya siya sa mga pinagiisip niya.

"Wala naman." Kaila niya na tinaas pa ang kamay. Kinuha naman iyon ni Leon at siya narin ang pumulot sa box ng pocky na nabitawan niya. "So anong next lesson natin?" may panunukso ang ngiti nito. Namula siya dahil hindi pa siya nakarecover mula sa mga naisip niya kanina.

"P-Pinagiisipan ko pa." nauutal na sabi nalang niya. "So far kasi maganda naman ang development mo. Hindi rin natrigger ang panic attack mo." Pagpapaliwanag ni Mila.

Tumunog na ang timer nila, sign na tapos na ang session ni Leon.

"Ang bilis talaga ng oras pag kasama kita." Puna nito. Natuwa naman si Mila na malaman na hindi ito nabobored kasama siya. Sabay silang tumayo at hindi parin binibitawan ni Leon ang kamay niya. "Hintayin na kita sa sala para ako ng maghatid sayo pauwi." Sabi nito na nagpakilig na naman sa kanya. Sinagot niya ito ng ngiting patango. Pero mas kinagulat pa niya ang kasunod ng itaas nito ang kamay niya para halikan iyon. "See you later, Love." Nakangiting sabi nito. Napatulala siya don. Naginit ang kamay niya.

"Ayos ka lang sa ganito?" alanganing tanong ni Mila na gulat.

"Sabi mo diba, greeting lang ito." Sagot naman ni Leon. Tumango naman si Mila.

Naputol sila ng tunog ng katok sa pinto; si Ralf.

"Excuse me, may session baa ko o wala?" may pagkasarcastic na tanong ni Ralf.

"Palabas narin ako. Sa sala nalang kita antayin Mila." Paalam ni Leon na kinuha ang mga gamit niya sa table.

"Hihintayin mo siya? Pero hindi ba aalis tayo Mila." Pagpapaalala ni Ralf at doon lang naalala ni Mila ang lakad nila. "Oo nga pala!"

Nalingon ulit si Leon kay Mila, "Okay sige, bukas nalang ulit." Sabi naman ni Leon na mabilis nag give in. Medyo nagalala naman si Mila doon. Tinanaw niya si Leon hanggang makalabas ng kwarto. "See you around bro." paalam naman niya kay Ralf.

Ng umupo sila ni Ralf, napansin agad ni Ralf ang katahimikan niya.

"Galit ka ba na sinira ko ang lakad niyo?" tanong nito na kumuha ng atensyon niya. "Na dapat undetandable na ako ang magadjust at ilipat ng schedule ang labas natin." Pagintindi nito.

"Hindi naman sa ganon." Sagot naman ni Mila. "Medyo napaisip lang ako na mabilis siyang nagparaya..."

Natingin lang naman si Ralf sa kanya iniisip at pinipili kung ano ang dapat sabihin.

"Masyado akong nagooverthink nuh." Natatawang sabi ni Mila. "Anyways, pagusapan na natin ang list mo." Pagfocus niya sa session nila ni Ralf.

"Huwag kang masyadong magexpect sa kanya..." mababa ang boses ni Ralf pero tama lang para marinig niya. Dahilan para mas mapaisip siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DI MAGIBAWhere stories live. Discover now