Promise of a Lifetime

7 2 0
                                    

Napabuntong hininga ako tsaka ipinatong ang ulo sa lamesa sa office ko sa bahay ng Dimagiba. Hindi naman dapat pero slight lang naman, medyo namimiss ko na si Kuya Leo. Isang lingo narin silang nasa business trip. Ewan ko ba bakit namimiss ko ang mga hirit niya. O baka naman dahil sa nangyare ng gabi bago sila umalis papuntang business trip?

Tinignan ko ang kamay ko at inalala kung paano niya iyon hinawakan. Improvement iyon hindi ba? Nagawa niyang hawakan ang kamay ko. Napangiti ako sa alaalang iyon. Naputol iyon ng marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto. Napatayo ako sa gulat. Dumating na si kuya Leo? Pero hindi siya ang nakita ko kundi si Cyber.

"Mila! Nandito ka!" excited siyang tumakbo papalapit saken.

"Bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko naman ng yakapin niya ako.

"Sobrang namiss kita." sabi niya na nakayakap saken.

"Hindi ba dapat nasa Boracay ka pa?" sabi ko naman. Bumitaw siya sa pagkakayakap, "Hindi mo ba ako namiss?" naakangusong tanong niya.

"Hindi naman sag anon pero hindi ba importante ang OJT mo na iyon?" katwiran ko naman.

"Narealized kong hindi ko kayang malayo ng matagal. Nahohome sick ako sa Boracay."

"If I'm not mistaken wala ka pang 1 week na nandoon." Four days palang ata siyang nandoon ah.

"Ang sabihin mo hindi mo kasi nagagawa ang routine mo dun kaya hindi komportable." hula ko.

"Hindi na ako babalik don!" yumakap siya ulit saken.

"Oo na. Gets ko na. Pwede mo na akong bitawan." Paghiwalay ko sa yakap niya.

"Bakit ang aga mo palang nandito? Wala naman kayong session ni Kuya Leo. Sa isang araw pa ang balik niya." Pansin niya.

Naghum ako, "Wala rin naman akong magawa kaya naisip ko nalang maghintay dito hanggang sa session naming ni Kuya Ralf."

"Dumadating ba si Kuya Ralf?" sunod naman niyang tanong na parang inexpect na hindi ito pupunta sa session namin.

"Paminsan-minsan." Alanganing sagot ko.

"Mukhang hindi ngayon ang minsan na iyon." Puna niya na tiniro ang orasan dahil oras na ng session naming ni Kuya Ralf.

Hayy Tama ba siya? Namag asa lang ba ako na baka sakaling magbago ang isip ni Kuya Ralf dahil tinulungan ko siya kahapon?

"Pero nandito naman ako." Pagpapagaan ni Cyber sa loob ko habang abot tenga ang ngiti.

"Masaya ka na niyan na dumating ako noh?" paghuli niya sa kiliti ko na binigay ko naman sa kanya. "Oo na, masaya na akong bumalik ka."

Pero naputol iyon ng makarinig kami ng katok. Parehas kaming napatingin sa direksyon ng pinto at nakitang pumasok si kuya Ralf. Parehas naming hindi inaasahan na pupunta siya.

"Cyber? Tapos na ang OJT mo?" nagtataka siyang makita si Cyber.

"Ah hindi kuya Ralf – actually..." alanganing sagot niya.

"Magreport ka kay Dad." Payo niya. Mabilis naman ang pag alima ni Cyber.

"Mamaya nalang Mila." Paalam niya saken.

"Sorry Kuya Ralf, labas muna ako." Agad naming pagintindi ni Cyber at lumabas ng pinto. Sinundan ko naman ng tingin si Kuya Ralf ng maglakad siya papalapit at naupo sa upuan na kaharap ng table ko. Napangiti ako, improvement ito. "Okay lang ba ang distansyang ito?" pagcoconfirm ko.

"Basta wag mo akong hahawakan." Supladong sagot niya.

"Thank you." Sabi ko naman na naupo. "Na nagdecide kang pumunta ngayon."

DI MAGIBAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz