Chapter 1 - Madison

92.4K 1.9K 470
                                    

Madison P.O.V.

Babalik na sya...

Ayan ang paulit ulit na naiisip ko hanggang sa makauwi na ako ng bahay. Hindi ko kasi akalain na babalik siya agad...akala ko ay makakaalis na ako sa D&S Corporation bago pa siya makauwi ulit dito.

Hay bakit naman kasi hindi pa hinayaan na matapos ko yung 5 taon na pagtatrabaho ko at kailangan pa namin magkita ulit.

Tulala lang tuloy ako hanggang sa makauwi ng bahay, hindi ko na nga narinig pa ang sinasabi ni Aly hanggang sa makababa na ako ng taxi.

Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko sina Itay, Inay at Vermont na kumakain sa kusina. Nilapag ko muna yung bag na dala ko sa sofa bago ako lumapit kina Itay para magmano.

"O anak, nandito ka na pala. Mabuti naman at maaga ka nakauwi." sabi ni Itay pagkatapos ko magmano. Naupo ako sa tabi nila.

"Oo nga anak tara ng kumain." sabi naman ni Inay, tumayo siya at kumuha ng plato at kutsara sa lagayan bago inilapag sa harapan ko.

"Maaga ko po kasing natapos ang mga gawain ko sa opisina." sagot ko naman pero ang totoo ay napagpasyahan ko lang umuwi ng maaga dahil useless din hindi ako mapagconcentrate sa mga ginagawa ko mula nang narinig ko yung announcement ni Sir kanina.

Maging si Aly din ay alam kong nagtaka dahil sa pagyaya ko ng maaga pero mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa.

"Ganun ba? Ayos yan at makakapagpahinga ka ng maaga." si Itay ulit habang inaabot sa akin ang kanin.

Kinuha ko ito naglagay sa plato ko bago ako luminga "Wala pa po yung dalawa?" Tanong ko na tinutukoy sina Dakota at Maryland.

"Nagpaalam kanina si Maryland at may tatapusin daw silang thesis at mag oovernight sa bahay ng kaklase nya. Si Dakota naman ay hindi pa nakakauwi mula sa trabaho." sagot ni Inay.

Maya maya ay tumayo ulit sya dahil may bumibili sa tindahan namin. Nakapwesto yung maliit na tindahan sa unahan ng bahay, bale pinagawan lang namin ng extension para dito. Pero ang pintuan nito ay karugtong pa din ng sala.

"Vermont musta na ang pagaaral mo?" baling ko sa kanya.

Saglit syang tumigil sa pagsubo at tumingin sa akin "OK naman 'te, pinagbubuti ko para makagraduate na ako ng highschool." sagot nya.

Kasalukuyang nasa 3rd year High School na sya ngayon, dapat sana ay nasa 1st year college na sya kung hindi lang matagal na natigil sa pag aaral. Sabi niya ay BS marine ang kukuhaning kurso nya sa kolehiyo at gusto nya daw maging seaman.

Natutuwa ako dahil nagkakaroon na sya ng pangarap ngayon sa buhay nya at lubos ang pagsuporta namin sa kanya ni Dakota at maging sina Itay.

"Ang tataas ng grado nyan!" masayang balita naman ni Itay. Halatang proud sa pagbabago ng bunso nya.

"Syempre 'tay ilang taon na lang ay magkakaroon na kayo ng anak na seaman, tutulungan ko sina ate para guminhawa na yung buhay natin." sagot naman ni Vermont na nakapagpangiti sa akin, saglit kong nakalimutan ang bagay na kanina pa gumugulo sa isip ko.

"Sige pagbutihan mo yan ha." Sabi ko naman habang ginulo pa yung buhok nya.

"Ate naman." reklamo nya habang binabalik ito sa dating pagkakaayos nya. Binatang binata na ngayon ang bunso namin at ang tangkad pa.

Hanggang balikat na lang nya ata ako, sa aming 4 talaga bukod tanging ako lang ang kinapos sa height. Maging si Maryland kasi hindi na din nagpahuli sa height ni Dakota na 5'6 na ata. Hayyy sila na ang pinagpala ng katangkaran.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon