Chapter 41 - Where is she?

6.8K 352 105
                                    


Reese P.O.V.

Halos madaling araw na din natapos ang event sa mansion. Around 2AM na ata ako nakaakyat sa kwarto ko. Mabilis lang ako nakatulog dahil na din siguro sa sobrang pagod.

Saglit lang kami nagtetext ni Kuting nang hindi ko na namalayan at nahimbing na ako.

Halos kakapikit ko pa lang ay narinig ko ang boses ni Kuting na tinatawag ako.

"Reese." Sabi nya sa masayang boses.

Luminga ako. Where is she? Diba nasa Laguna siya ngayon?

Hinanap ko siya sa paligid at nagulat ako nang makita ko siya sa may garden namin. Doon ko narealize na nakatayo pala ako sa labas ng bahay namin.

Teka bakit ako nandito? Diba nasa kwarto na ako at nakahiga?

I saw her smiling at me habang dahan dahan na lumalapit sa akin. She was still wearing the white sleeve na suot nya kanina.

"Kuting." Nakasmile na sabi ko at saka ako naglakad para salubungin siya.

Pero bago pa ako tuluyang makalapit ay nakita ko na bigla syang natigilan tapos nawala yung smile nya, napalitan ng takot ang nakita ko sa mata nya.

"Kuting?" sabi ko habang pinipilit hawakan ang kamay nya.

Bago pa ako tuluyang makalapit ay napansin ko na unti unti naman syang lumalayo sa akin. Bakit hindi ko siya malapitan?

"Reese!" tawag nya habang unti unti syang nawawala sa paningin ko na tila may humihila sa kanya palayo.

Sigaw daw ako ng sigaw hanggang haggang hindi ko na siya makita.

"Kuting!!" sigaw ko habang umiiyak na ako. Where did she go? Bakit nya ako iniwan dito.

Ang dilim sa buong paligid. Pinilit kong siyang hinanap sa labas ng mansion pero talagang wala na siya!

Isang boses ulit ang sunod ko na narinig pero hindi na ito boses ng gf ko.

"Reese wake up!" it sounded like Reema's voice.

Luminga ako. Saan nanggagaling ang tinig? Ang dilim dito wala akong makita.

"Wake up!" sabi nya ulit at muli ay napapikit ako.

Sa muli kong pagdilat ay bumungad sa akin ang mukha ni Reema na puno ng pagaalala habang nakaupo siya sa gilid ng kama ko.

"Thank God nagising ka na." she look relieved.

Pinagmasdan ko ang paligid at napansin ko na nasa loob na ako ng kwarto ko at wala na sa garden.

Nanaginip ba ako?

Hinawakan ko ang mukha ko at doon ko napansin na basa na ito ng luha.

"You were crying and calling someone Kuting." Kwento niya.

"Nanagipin lang ako but it was more like a nightmare.." malungkot na sabi ko. Parang totoong totoo kasi yun panaginip ko. Meron kaya itong pinapahiwatig?

"It was not real. It was just a dream.." sabi nya bago tumayo at lumabas ng kwarto ko nang masigurado na ok lang ako.

Hinanap ko yung cellphone ko at agad na nagmessage sa gf ko. Hindi na siya nakaonline kasi alas tres na din pala ng madaling araw.

Nagmessage ako sa kanya sinabi ko nakatulog ako kaya hindi na ako nakareply sa kanya kanina. Sinabi ko din na tumawag siya agad sa akin paggising nya.

Pinilit ko uling matulog at inisip ko na lang na walang masamang mangyayari sa kanya.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon