Chapter 15 - Overjoyed

59.2K 1.7K 443
                                    

MADISON P.O.V.

May ilang minuto na din mula nang umalis si Reese pero nakatayo pa din ako at parang ewan na nakahawak pa din sa labi ko. Shocked pa din kasi ako sa ginawang pagnakaw nya ng halik sa akin kanina.

At ng maisip ko yun ay nabalot agad ng hindi mapaliwanag na tuwa ang puso.

Reese kissed me! Reese just fuckin' kissed me!

Serously, sino naman ang hindi mababaliw dun?

Hindi ko pa din lubos maisip kung ano ang ibig sabihin ng halik na yun....gusto nya kaya ulit ako kagaya dati?

Hmmm whatever, ayoko muna isipin... basta ang mahalaga ay ang saya saya ko nang mga sandali na yun.

Lumabas na ako ng CR na hindi pa din naaalis ang ngiti ko, kahit hanggang sa makabalik ako sa loob ng Resto at makita ulit ni Brandon.

Alam ko napansin nya ang pagbabago ng mood ko, kanina kasi ay tahimik lang ako at paminsan minsan ay natatawa sa mga jokes nya.

"Maddy mabuti nakabalik ka na, akala ko ano na nangyari sa'yo hahanapin na sana kita." May pagka slang pa na sabi nito, obvious ang pag aalala sa gwapong mukha nya.

"Ahh madami kasing tao sa CR kanina, salamat sa concern sir.." pagpapalusot ko, syempre alangan naman sabihin ko yung totoong dahilan.

"Sir again? Hindi ba pwedeng Brandon na lang kapag tayong dalawa lang?" malambing na sabi nya bago sya nagsmile, kung ibang babae siguro ay baka nagsomersault na ang puso sa makatunaw ice cream na ngiti nya na yun. Kaso hindi ako eh, may laman na kasi ang puso at at siya lang nag iisang tao na nakakapagpatambling ng puso ko sa isang ngiti at kindat lang nya.

'Nasaan na kaya sya ngayon?' Pero nang naalala ko na malamang ay nasa piling na ng boyfriend nya, hindi ko tuloy mapigilang magselos. Magselos kahit walang karapatan. Kakainis lang.

"Maddy..?" pukaw ni Brandon, saglit kong nakalimutan na magkasama pa pala kami. Ano ba yan kung saan saan kasi lumilipad ang isip ko.

"Ok Sir...i mean Brandon...medyo nakakailang kasi considering that you're my boss." Nahihiyang sagot ko. I mean, he's still my boss at ako naman ay hamak na empleyado lang nila ako. Sino naman hindi maiilang dun?

"I know, masasanay ka din." Nagsmile ulit sya sabay nag wink pa.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at narealize ko na wala akong naramdaman na kahit konting kilig, hindi kagaya nung si Reese ang gumawa ng ganun kanina lang na parang mahihimatay na ako sa kilig.

Grabe, iba talaga ang epekto mo sa akin Santillan.

Pagkabayad nya ay sabay na kaming tumayo at lumabas ng resto. Panay ang linga ko habang naglalakad na kami papunta sa parking area. Baka kasi makita ko pa si Reese sa paligid and i was hoping na masilayan ko ulit sya kahit sa malayo o kahit sandali lang...pero nabigo lang ako. Walang Reese akong nakita.

"Maddy are you looking for something? May gusto ka bang bilhin?" napansin pala ni Brandon ang pagiging tuliro ko.

Umiling ako "Ahh wala naman Sir—i mean Brandon, akala ko lang kasi may nakita akong kakilala.." malungkot na sagot ko feeling disappointed. Bigla tuloy nag iba na naman ang mood ko.

So what I did kinuha ko na lang yung phone ko sa bag saka nagtext sa kanya "Aalis na kami ni Sir Brandon...ingat ka pag uwi.."

Ibabalik ko na sana yung phone ko sa bag nang bigla itong tumunog. Wow ang bilis naman ata nya nagreply?

"I saw you with him....and guess what? Hindi kayo bagay." Text nya na nakapagpatawa sa akin.

Daya naman nakita nya kami. Pero natawa lang ako kasi kailangan pa talagang sabihin na hindi kami bagay ni Sir? Eh sinong bagay sa akin.....siya kaya?

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon