Chapter 13 - You and Me

59.7K 1.8K 350
                                    

Reese P.O.V.

"Ma'am pinapatawag na po kayo sa Board room mag start na daw po yung meeting.." pukaw sa akin ni Mariel, yung secretary ni Dad. Nakasungaw ang ulo nya sa pintuan, ewan ko lang kung kanina pa siya doon o kung kumatok ba siya. Ang lalim kasi ng iniisip ko kanina pa at hindi ko na namalayan.

"Ok, tell them papunta na ako.." I answered, tumango lang sya bago sinara na ulit yung pinto. Tumayo na ako at saka inayos ang damit ko, i also checked my self sa mirror na nakasabit sa wall bago na ako naglakad papunta ng pintuan.

Pagtingin ko oras ay nagulat ako nang makita ko na mag aalas nuebe na pla. Ang haba pala ng tinakbo ng isip ko mula pa kanina pagdating ko.

Oh well, dahil kasi ito sa nag iisang taong na lately ay madalas na nagooccupy sa utak, gusto na atang tumambay dito at ayaw ng umalis..

Kapag sumasagi siya sa isip ko ay hindi ko mapigilang mapangiti—like now. Para akong ewan na nangingiti mag-isa. Yung nangyari noong isang araw sa'min sa Rizal ay paulit ulit pa din bumabalik sa isip ko. Yung eksena na nakayakap ako sa kanya, nakapatong yung ulo nya sa balikat ko habang sabay naming pinapanood ang napakagandang bukang liwayway.

Nakaukit na din ata sa isip ko ang halos ng bagay tungkol sa kanya...the way she talks, the way she smiles, the way she rolls her eyes kapag naiinis sya sa akin at ang pinakapaborito ko sa lahat yung kapag nagbublush sya kapag tinitease ko sya.

I sighed.

Mas madalas pa syang laman ng isip ko ngayon kesa kay Blake. Mas masaya ako kapag kausap sya kesa kay Blake at higit sa lahat mas masaya akong kasama sya kesa sa boyfriend ko. Hindi ko na tuloy maiwasang makadama ng guilt. Am I being unfair to him? Pakiramdam ko kasi i'm cheating on him or something.

Iba na kasi ang nararamdaman ko towards Madison, parang hindi na syang simpleng pagka amuse lang...I know it's something deeper.

Hindi ako ganito dati kay Blake kahit noong mahal ko pa siya.

Natigilan ako. Huh? What? Noong mahal ko pa sya?....Does it really means na wala na talaga akong nararamdaman sa kanya? Dahil kaya yung kay Madison?

Pero bakit ganun? Kahit noong nasa US pa lang ako ay napansin ko na na parang may kakaiba na sa akin. Parang hindi na ako katulad ng dati bago ako maaksidente, iba na lalo na yung nararamdaman ko. I tried to ignore it before at inisip ko na lang baka naninibago lang ako o baka dahil sa aksidente kaya parang nabawasan na yung fondness na nararamdaman ko kay Blake.

Pilit kong kinapa ko yun damdamin ko at natakot ako sa natuklasan ko dito.

"Baby, you're just in time.." sinalubong ako ng Blake pagpasok ko sa board room. Humalik sya sa pisngi ko bago kami sabay na naupo na magkatabi.

"We can start now the meeting..." simula ni Dad.

Pahapyaw lang na nagsisink in sa akin ang mga pinaguusapan sa meeting. Para akong lutang at halos blurred na yung nasa paligid ko.

Paano nagsisimula na naman syang sumisiksik sa isip ko. Nasa office na kaya siya? Naiisip din kaya nya ko? Pupunta kaya siya dito sa Board room?

Dad asked me a question at para akong genie na hinigop pabalik sa kanyang magic bottle. Nakatulala lang ako kay Dad at mabuti na lang ay si Blake na ang sumagot sa tanong nito. Blake looked at me at napansin nya siguro ang pagiging lutang ng isip ko.

Kulang na lang ay hilahin ko na ang orasan para matapos na yung nakakaboring na meeting. Gusto ko na kasing lumabas ng board room...gusto ko na syang makita at makausap ulit.

"Baby what's wrong? Napansin ko na wala sa meeting ang focus mo. Is there something bothering you?" Ask ni Blake pagkatapos ng meeting, buti na lang na lampas 1 oras lang ito, akala ko kasi eh aabutin pa ng lunch time.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon