Extra chapter - Tipsy

35.2K 1.4K 189
                                    

Hi guys, curious ba kayo kung ano na ang nangyayari sa pagitan nina Aly at Drew? Sabay sabay nating silipin sa chapter na ito. :)

ALY P.O.V.

Ngawit na ang mga binti ko sa tagal na pagkakatayo. Kanina pa kasi ako dito sa living room kung saan nagiinuman (at naghaharutan) sina Drew ang ang bisita nito na si Gail.

Kahit ko na sana pumasok sa room ko at magpahinga. Medyo late na din kasi at inaantok na ako.

Kaso alam kong hindi pwede, once na mawala ako sa paningin ng mahaderang si Drew ay paniguradong sermon na naman ang aabutin ko dito.

Ang masama pa nun ay baka iextend pa nya ang paninilbihan ko sa kanya kapag nagkataon.

Juice colored! Wag naman po sana. 4 na araw na lang at matatapos na ang 'kontrata' ko sa kanya, kaya konting tiis pa ang kailangan ko.

Bulungan ng bulungan yung dalawa, daig pa ang mga bubuyog eh. Tapos maya't maya naman ay magtatawanan.

Mga lasing na kasi eh kaya para mga baliw lang sila dito nagtatawanan sa hindi mo malamang kadahilanan.

Sumulyap sa akin yung maarteng si Gail. Actually kanina pa sya sulyap ng sulyap. Alam ko naman na kanina nya pa ako gustong mag disappear dito sa kwarto pero sorry na lang siya dahil kahit anong mangyari ay tatambay lang ako dito.

Kanina pa lang pagdating nya ng hapon ay alam ko na hindi nya na ako type. Tinignan pa nga ako mula ulo hanggang paa pagbukas ko sa kanya sa pintuan.

Obvious na nagulat siya pagkakita sa akin at ewan ko kung nainsecure dahil sa ikli ba naman ng skirt na suot ko. Eh anong magagawa ko kung di hamak na mas sexy ako sa kanya?

Maganda naman sya actually at mukhang sosyalin, pero mas makurba lang ng di hamak ang katawan ko sa kanya. Medyo malaki kasi ang balakang nya na ala Kylie Jenner lang.

Kaya pagkakita kay Drew kanina ay sinibasib nya na ito ng halik na akala mo ay mauubusan.

Umiiwas ako ng tingin kapag ganun ang eksenang nakikita ko.

Sa loob kasi ng lagpas isang linggo pag stay ko dito sa condo ay nasaksihan ko ang 'kakaibang' lifestyle ng isang Drew San Antonio.

Party girl talaga sya at halos gabi gabi ay nasa bar ito o kaya ay nagpapa house party.

At dahil nga saksakan ng ganda at bukod pa doon ay sobrang yaman, kayat hindi nawawalan ng mga taong panay ang aligid sa kanya. Mapa babae man ito o lalaki.

Malakas din syang uminom ng mga mamahaling alak. Nakakahasap ang presyo ng mga alak nito na nakadisplay sa bar counter sa condo nya.

Yung tipong isa lang nito ay pwede ka ng makabili ng iphone13 or second hand na motor.

Doon ko narealize kung paano talaga magtapon ng pera ang mga mayayaman. Madalas nga ay ako na ang nanghihinayang.

Kapag nagpapaparty kasi sya ay estimate ko na hindi bababa ng 100k ang nagagastos nya sa alak at mga pagkain. Ganun sya kung magtapon ng pera.

Naiiling na lang ako kapag naiisip yun.

Habang ako kaya nandito sa condo nya at nagpapakahirap na pagsilbihan sya dahil sa atraso ng kapatid ko sa kanya, na kung sa tutuusin ay barya lang naman sa kanya.

"Get us some ice!" sigaw ni Gail ang pumukaw sa akin.

I rolled my eyes pagkatalikod ko, if i know gusto nya lang talaga ako paalisin dito para masolo nya kahit sandali ang babaeng lasengga.

Anyway, ok lang naman sa akin kahit na magtagal pa ako dito sa kitchen. Siguro naman hindi na ako mapapansin ni Drew dahil busyng busy naman ito sa kanyang bisita.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon