Chapter 32 - Dakota

15K 621 176
                                    


Madison P.O.V.

Dahil nadalaw ko na ang bestfriend ko ay naging panatag na ako na nasa mabuting kalagayan naman sya. Sinabi nya sa akin na babalik na siya sa susunod na linggo.

Naalala ko tuloy yung pinaguusapan nina Reese at Drew noong pagbalik namin ni Aly mula sa kitchen. Mamaya ay itatanong ko ito sa kanya ano ba yun. Tungkol ata yun sa island beach party na inorganize ni Drew pero hindi kami nakasama that time.

"Dakota paabot nga ng mainit na tubig." sabi ko sa kapatid ko. Kasalukuyan kami nag aagahan ngayon. Kaming dalawa pa lang ang gising kasi maaga pa naman.

"Dakota. Uy!" ilang tawag pa ako sa kanya bago sya tumingin sa akin at kinuha ang water kettle sa tabi nya.

"Ano ba nangyayari sa'yo dyan at nakatulala ka?" tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa mug ko.

Umiling lang ito"Wala 'te, inaatok pa kasi ako." sabi nito pero nahalata ko ang lungkot sa mga mata nya.

"May problema ka ba? You can tell me.." ilan araw ko na din napapansin ang pagiging malungkutin ng kapatid ko at ilang araw ko na din hindi nakikita nagagawa si Jordaine dito sa bahay. Nagkaaway kaya sila?

"Si Jordaine ba?" tanong ko. Saglit syang natigilan bago tumingin sa akin.

"Hindi 'te..." sagot nito pero parang teary eye pa siya mabilis na umiwas ng tingin.

Napabuntong hininga ako "I know, it's about her. Pilitin mo man itago yan nararamdaman mo. I've been there...."

Pinilit nya tumawa "Ate hindi ganun, ano ba yun pareho kaya kaming babae saka hindi ako kagaya mo na.." nang narealize nya ang sinabi nya ay bigla syang napasulyap sa akin saka nagbaba ng tingin.

"Kagaya ko na ano? Kagaya ko na nagmamahal lang?" sagot ko. Hindi naman ako naoffend sa sinabi nya, naiintindihan ko kasi kagaya ko dati, eh bago lang sa kanya ang ganun pakiramdam. Hinalo ko kung kape sa mug ko habang pinagmamasdan lang siya.

Kahit kailan talaga hindi naging open ang kapatid ko pagdating sa personal na buhay nya. Masyado itong malihim at sinasarili kahit ang problema nya.

"Si Neil 'te, babalik na kasi siya.."

Saglit akong napahinto sa pag inom ko, binaba ko ang mug "Si Neil? As in yung kababata natin?"

"O-Oo 'te. Nagchat sya sa akin kahapon. Magbabakasyon daw siya.."

So eto ba ang bumabagabag sa kanya at hindi si Jordaine?

"Hindi ko alam kung alam nyo dati nina Inay, pero may nararamdaman ako kay Neil noon at sobra ako nasaktan nang umalis siya papuntang ibang bansa.." kwento pa nya.

Napaisip ako. Naalala ko nga noon sobra ng lungkot nya mula ng umalis si Neil pero akala ko lang noon baka lang namiss nya ang kababata nya. Sobrang close kasi nila. Hindi ko inisip na may something pala sila dati kasi nga mga bata pa naman sila noon.

"Yung sa inyo ni Jordaine?" diretsong tanong ko. Umiwas sya lagi ng tingin kapag nababanggit ko ang pangalan ni Jordaine.

"W-wala 'te, magkaibigan lang kami." mabilis syang tumayo at nagtungo sa CR para maligo. Parang iniiwasan nya pagusapan namin ang bagay na gumugulo sa kanya.

Pagpasok sa office ay hindi pa din mawala sa isip ko yung pinagusapan namin ni Dakota. Si Neil at si Jordaine. Mukhang naguguluhan ang kapatid ko sa nararamdaman nya at kahit hindi nya sabihin ay ramdam ko na nahihirapan siya.

"Hi gorgeous." si Reese. Hindi ko tuloy napansin nasa labas pala siya ng office namin. Agad ko syang pinagmasdan. Ang sexy nya sa suot na dark brown skirt. Kita ko ang sexy at flawless na legs nya.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon