Chapter 9 - Crazy beautiful

62.5K 1.8K 459
                                    

Reese P.O.V.


"Goodnight Reese.."


Pagkatapos nyang mag goodnight sa akin ay bahagya ko pa syang hinigit palapit sa akin. Saka unti-unti ko ng naramdaman ang pagbigat ng mata ko at ilang sandali pa ay di ko na namalayan na nakatulog na ako.

Tila kakapikit ko pa lang ng mabilis ulit akong napadilat.

At muli, sa loob ng ilang taon, ay napunta sa mundo na yun. Yung mundo na hanggang ngayon ay hindi pa din ako sigurado kung bunga ng aking nakaraan na tila hindi ko pa din matakas takasan.

"Shit I'm here again..." napahigit ako ng hininga bago ko ginala ang paningin ko.

Dilim ang nakikita ko sa buong paligid. Luminga pa ulit ako at naghanap ng kahit anong liwanag at hindi naman ako nabigo.

Kahit hindi ko nararamdaman ang binti ko ay pinilit ko itong ginalaw at tinungo ang munting liwanag na natanaw ko sa hindi kalayuan.

Tumigil lang ako sa paglalakad nang makita ko ang isang pintuan, may nakasulat na numero dito.

Room 406.

Nagtataka man ay hindi na ako nag aksaya ng sandali at pinihit ko na pabukas ang door knob.

Pulang liwanag ang sumalubong sa akin.

Pilit kong inaaninag ang loob nito at ilang sandali pa ay napansin ko ang isang kama sa gitna nito at isang hindi kalakihang TV naman sa gilid.

Alanganin kong hinakbang ang paa ko papasok at doon ay napansin ko na may dalawang pigura pla na nakahiga sa kama. Nakatakip sila ng kumot na animo ay natutulog na.

Hindi ako nakadama ng takot pero bagkus ay mas nanaig ang pagkacurious ko kung sino ang dalawang tao na nandoon o kung kilala ko ba sila.

Humakbang ulit ako at tumigil sa may bandang paanan nila at pilit ko silang inaaninag.

Maya pa ay nauliningan ko silang nag uusap.

"Goodnight Santillan.." sabi ng isa.

Kahit hindi ko siya nakikita ay napakapamilyar ng presensya nya sa akin.

Siya yung mystery person ko wala ng iba pa..

Pagkatapos nun ay isang tinig ulit ang narinig ko...

"Goodnight Kuting..."

At nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung kaninong boses yun.

It was mine!

Sino si Kuting at bakit ko sya tinawag na kuting?

Natigil lang ang pagiisip ko nang narinig ko ulit sya na nagsalita.

"I miss you....sobra sobra..." kahit pabulong yun ay malinaw ko pa din ito na narinig.

Lalo akong nagulantang nang narealize ko na it was indeed a.......female voice.

And then a realization hit me.

Yung mystery person na 4 na taon ko ng napapanaginipan, na gumugulo sa isipan ko, na hindi ko makilala kung sino ay ...ay.....isa palang babae?

Nararamdaman ko na unti unting paglabo ng eksena na yun sa paningin ko, marahil ay magigising na ako.

Pero bago ako tuluyang mawala doon ay may huli pang salita na namutawi sa labi ko.

"I miss you too Kuting.."

Pagmulat ng mata ko ay mabilis kong habol ang hininga ko.

Napahawak ako sa ulo ko na nagsisimula na namang sumakit. Tumingin ako sa paligid at doon ko napansin na wala pala ako sa kwarto ko.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon