Thirty Eight

8.6K 263 104
                                    

— Ken's Point of View —

                Pagkatapos ng performance nila Hayley para dito sa Battle of the Bands, nakita ko na nagmamadali siyang bumaba ng stage at tumakbo papalabas ng function hall. Anong ginagawa niya? Anong nangyayari? Bakit siya umiiyak?

                Susundan ko sana siya dahil alam kong meron talagang problema at gusto ko sana siyang tulungan nang bigla akong tinawag ng kaklase ko. “Ken!”

                Nilingon ko siya. “Bakit?”

                “Kanina ka pa pinapatawag ka ni Ma’am. Punta ka daw sa faculty room!”

                Wrong timing naman, oh. Kailangan ko pang puntahan si Hayley, eh. Bigla naman  na nakisingit si Ma’am.

                “Sige, sige.” Sagot ko. “Sabihin mo sandali lang.”

                Agad na akong tumakbo papalabas. Narinig kong tinatawag pa rin ako ng kaklase ko dahil mukhang importante talaga angpagpapatawag sa akin ni Ma’am pero hindi ko na siya pinansin. Mas importante si Hayley.

                Hindi ako nadalian na makalabas sa function hall. Ang daming tao at napakasiksikan. Pero nagmadali talaga ako para mahanap si Hayley. Alam kong hindi siya okay. Alam kong kailangan niya ng makakasama.

                Nang makalabas na ako sa loob ng function hall ay agad kong hinanap kung nasaan si Hayley, agad ko naman siyang nakita na nakatayo doon sa hindi kalayuan at nag-iisa.

                “Hayley…” sabi ko habang dahan-dahan na lumalapit sa kanya.

                Narinig niya ang pagtawag ko sakanya kaya nilingon niya ako. At pagkalingon niya ay nakita ko ang mga mata niya na halatang kanina pa pinipigilan ang mga luha mula sa pagbagsak.

                “Ken…” nabitawan niya ang box na hawak niya at saka tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako at tuluyan nang humagulhol sa pag-iyak.

                Wala akong ibang nasabi. Natigilan ako dahil kahit ako ay nalulungkot para sa kanya. Hindi ko man alam ang rason kung bakit siya nasasaktan, ramdam ko na mahirap ang pinagdadaanan niya dahil kilala ko si Hayley, at alam kong hindi siya basta-bastang umiiyak ng ganito.

                Niyakap ko na lang rin siya pabalik dahil sa ngayon ay ‘yon na lang ang isang bagay na pwede kong gawin sa kanya para mai-comfort siya. Napatingin ako sa box na nahulog niya kanina.

                Alam ko ‘to.

                Ito ‘yong mga bagay na madalas kong makita sa dorm namin ni Dylan. Minsan ay makikita ko si Dylan na hawak ang mga ‘to at tinitignan. Kung minsan nga ay tinatabi pa ito ni Dylan sa pagtulog niya.

                Alam kong kay Hayley galing ang lahat ng ‘to.

               

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon