Eleventh

15K 239 24
                                    

— Hayley's Point of View —

                Ang sarap ng gising ko ngayong umaga. Good mood ako kahit na marami akong assignments na ipapasa ngayon at ni isa ay wala akong ginawa kagabi.

                Alam niyo ba kung bat ang saya-saya ko ngayon? Kasi pagka-gising na pagkagising ko, si Dylanbabes agad ang pumasok sa isip ko! Oo, may babes na ulit kasi, napag-isip-isip ko na hindi pa talaga ako nakaka-move on sa divorse namin.

                Nakaka-inis talaga siya grabe. Kung kelan gusto ko nang mag-move on, bigla siyang magpapakita ng motibo para mas lalo pa akong ma-inlove sa kanya!

                Hindi kaya ginawa niya yun kasi ayaw niya akong mag-move on? Kasi gusto niyang siya lang yung babes ko, kasi….crush niya rin ako?!

                Wow grabe, echusera ka, Hayley. Asa naman.

                Nakangiti akong bumangon sa kama at naglakad papunta sa cr. Nakangiti ako habang naliligo at nagt-toothbrush. At kahit habang tumatae ako, nakangiti pa rin ako. Na-realize ko kasi na hindi pa ito ang tamang time para mag-give up!

                Lalandiin ko si Dylan hanggang sa ma-inlove din siya sakin! Kung kailangan kong gumamit ng gayuma, gagawin ko! Hindi ako desperada, nagmamahal lang ako!

                Ang bobo ko talaga para sabihin sa sarili ko na gusto ko nang mag-move on kay Dylan. Kasi alam ko namang malabo yung mangyari. Sorry naman! Pero di’ba, lahat naman tayo, yan ang sinabi kapag nasasaktan na?

                Kaso lang, immune na ko sa pagiging mayabang ni Dylan kaya hindi na ko masyadong nasasaktan.

                For the 123456789th time, susubukan ko ulit siyang landiin.

**

                Pagkadating ko sa school, agad kong hinanap si Dylan. Late ako kaya naman lahat ng attensyon ng classmates ko ay napunta sakin pagkapasok ko sa room namin.

                At as usual, hindi nanaman ako nakinig sa teacher naming habang nagdi-discuss siya. Tinitigan ko lang si Dylan habang nagsusulat siya ng notes. Paano niya kaya nagagawa yun? Paano niya kaya nagagawang makinig sa teacher at sinisipag pang mag-take down ng lectures habang nagiging sobrang gwapo at perfect? I mean like, isa-isa lang, pwede?! Bawal multi-tasking noh! Wag sugapa!

                And after 123456789 years, sa wakas at recess na, ang pinakahihintay kong subject sa lahat!

                Tinabihan ko si Dylan habang naka-upo siya sa table mag-isa at nagsusulat naman. Lagi nalang siyang nagsusulat ah?

                “Anong sinusulat mo?” tanong ko bigla.

                Nagulat siya at sinara niya kaagad yung notebook niya. “W-wala!”

                “Awtsuu, bobo ako pero hindi ako bulag! Nakita kong may sinusulat ka!”

                “Eh ano bang pakelam mo?”

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon