Twentieth

12K 256 62
                                    

— Hayley's Point of View —

                “Congrats, Hayley!”


                “Huy Lele, congrats ha? Galing mo!”

 

                “Akalain niyo 'yun? May talent naman pala yung pinaka nasa last rank ng section natin! Go Hayley!”

 

                “Congrats! Pa-burger na 'yan!”


                'Yan lang naman ang mga sinasabi ng mga schoolmates kong nakakasalubong ko. Alam niyo kung bakit? Aba syempre, napasali ang Rubber Band sa Top 3 Finalists para sa Championship next month!

                Akalain niyo 'yun? Panalo pala kami? Sinong mag-aakala na meron palang patutunguhan 'tong mala-lata kong boses?

                So ayun nga, tatlo kaming mga banda ang magiging representative ng school namin para sa pinaka final na Battle of the Bands. Pero this time, iba't-ibang school na nga ang makakalaban namin. Kinakabahan ako!


                Eto pala yung disadvantage ng pagkapanalo sa Battle of the Bands, hindi pa rin matatapos ang sandamakmak mong practice dahil meron pa kayong laban na susunod...at kailangan ay mas matindi pa ang gagawin namin! Huhuhu. Baka mawalan na ako ng time para kay Hubby neto.

                Naiisip ko rin si Janice. Alam niyo naman kasi, siya talaga ang vocalist ng Rubber Band pero parang ang sakit naman yata sa feeling na ibang tao ang mas nire-recongnize nilang vocalist ng bandang ito, at hindi siya. Kailangan ko siyang kausapin.

                “Thank you,” sagot ko naman sa mga bumabati sa akin.


                Nakaka-stress naman ng konti. Bawat pupuntahan ko ay merong nagpapa-picture sa akin o kaya naman bumabati. Feeling ko tuloy artista na ako. Pero wag kayong mag-alala, feeling ko lang naman 'yun. Tsaka alam niyo naman na feelingera ako di'ba? Ambisyosa pa.

                “Hayley!” Akala ko pa naman ay magiging mapayapa na ang mundo ko nang medyo makalayo na ako sa maraming tao dito sa school.


                 “Uy, Ken!” Joke lang. Okay lang pala kahit bulabugin ang mundo ko ngayon basta si Ken! 

                Tumakbo papalapit sa akin si Ken at nang makalapit na ito sa kinatatayuan ko ay hingal na hingal siya.

                “Okay ka lang?” Tanong ko. Nag-thumbs up naman siya sa akin bilang sagot.

                “Congrats nga pala.” Naka-ngiti nitong sabi.


                “S-Salamat...”

                “Hindi mo sinabi sa'kin na may talent ka pala sa pag-kanta!” Reklamo ni Ken sa akin.

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon