19

11.3K 260 74
                                    

– Hayley’s Point of View –

“And for our next contestant, let’s welcome, the Rubber Band!” sabi ng emcee.

Nagpalakpakan ang mga tao kaya naman naglakad na kami papunta sa stage kasama ang mga bandmates ko. Pumunta na kami sa kanya-kanya naming places.

Si Dean, pumunta na dun sa drums. Si Harry naman, isinuot na rin yung guitar. Si James, ayun, inaayos na yung tunog ng kanyang bass. Si Kevin, inayos niya na ang gagamitin niyang keyboard. Ako naman, dahil ako yung vocalist, inayos ko na yung mic.

Agad kong inikot ang mga mata ko—hindi literal na ikot ha, inikot ko lang yung pangingin ko sa mga audience para hanapin si Dylan. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nasa pinakadulo siya palagi at ayaw niya makisalamuha sa ibang tao. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siya.

Huminga ako ng malalim. Nang maka-ayos na ang mga kasama ko ay tumahimik muna kami ng mga 5 seconds, bumi-bwelo lang naman po.

“1, 2, 1,2,3,4!” sigaw ni Dean habang pinapatunog ang kanyang mga drum sticks. Senyas ito na magsisimula na kaming mag-perform.

{ paki play po yung video na nasa multimedia, yun po yung kakantahin ni Hayley. things I’ll never say by avril lavigne }

Nagsimula na silang tumutog. Ako naman, nakatingin lang kay Dylan, pero hindi niya namana ko tinitignan! May kausap kasi siya eh. Tama nga sila, pumunta lang siya dito para sa grades.

“I’m tugging at my hair
I’m pulling at my clothes
I’m trying to keep my cool
I know it shows.” Kanta ko.

May kausap si Dylan, pero nang marinig niya ang pagkanta ko, bigla siyang napatingin sa stage. Siguro na-recognize niya yung boses ko kaya siya nagulat.

“I’m staring at my feet
My cheeks are turning red
I’m searching for the words inside my head.”

Tinignan ko lang si Dylan, alam kong nakatingin na rin siya sa akin pero para bang hindi ako nailang nung mga time na yun. Parang...gusto ko talagang iparating sa kanya ang message ng kantang ‘to.

“And I’m feeling nervous
Trying to be so perfect
Cause I know you’re worth it
You’re worth it
Yeah.”

Please, Dylan. Sana wag kang mag-focus sa pangit kong boses. Sana pansinin mo yung mga sinasabi ko! Ito kasi yung mga bagay na hindi ko masasabi sa’yo eh, kaya dinadaan ko nalang sa kanta.

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon