Nagpatuloy sa pag-ulat ang reporter.

Biglang nahagip ng camera si Greg at napalingon sa camera. Bahagya siyang ngumiti at nagthumbs up kaya kahit paano ay nakahinga ako. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako makakalma hangga't hindi natatapos ang lahat ng ito.

Nagtaka ako nang marinig ang mahinang pagtawa ng anak ko mula sa aking tabi.

"They knew how hardheaded you can be. Dad hid the remote but little did he knew, you watched him hiding it inside his shoes."

Napasimangot naman ako sa tinuran ng anak ko. Ayaw kasi nila akong manood ng balita para daw hindi ako mag-alala.

"And now, tito Greg did that in front of the camera to assure you everything's fine."

Napabuntong hininga ako at sinenyasan siyang lumapit. Agad naman siyang umusog palapit sa akin at nang abot kamay ko na siya ay agad ko siyang kinabig at niyakap.

"My poor boy. Ang aga mong nagmature."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa isiping iyon. Ang alam ko lang, naluluha ako ngayon. Agad din naman kaming napabaling ulit sa TV nang makarinig ng mga sigawan. At nakita nga namin sa screen na maraming nagtatakbuhan habang sugatan at ang iba naman ay duguan. May mga putukan na rin ng baril.

Ang mga pulis ay nagmamadaling pumunta sa kani-kanilang posisyon habang inaalalayan ng iba sa kanila ang mga sibilyang nagsisitakbuhan at pilit lumalayo roon. Meron pang isang matandang lalaki na nakasakay sa wheelchair at tinutulak ng dalagita ang nabubunggo ng mga nagtatakbuhan at sariling kaligtasan lang ang iniisip. Muntikan na ang mga itong madapa. Buti nalang ay agad siyang naalalayan ng dalawang kararating lang na mga pulis.

Mga kababayan. Nagkakagulo na nga sa loob at unang inatake ng panig ni Shirra Lewis ang mga NBI na kasalukuyang kasama ng grupo ni Zykiel Villafuente sa loob.

Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang sinabi ng reporter. Nagkakagulo na rin sa buong paligid nila kaya hindi na talaga ako mapakali.

"Let's go there. Puntahan natin sila."

Tumayo na ako at lalabas na sana pero hinarangan ako ni Aki.

"Dad won't be happy about this."

"I am not happy with what's happening too! I wanna help! I wanna know what's going on! I wanna--" natahimik ako nang makitang nakatingin sa akin si Aki. Ang mga mata nito ay pinaghalong kalamigan at kainosentehan.

Those blue pair of eyes.

Gosh!

Mas mukha pa akong bata sa aming dalawa. Nagkabaligtad ang sitwasyon. Imbes na ako ang magpapakalma sana sa anak ko at sabihing magiging maayos din ang lahat ay ako pa ang nawala sa maayos na pag-iisip. Ako pa ang unang nawala sa katinuan.

Kinabig ko siya at niyakap ng mahigpit. Sa kanya ako kumuha ng lakas dahil nanghihina ako sa labis na takot at pag-aalala. Nang medyo umayos na ang disposisyon ko ay muli na rin kaming umupo at nanood ng balita.

Habang tumatagal ay mas lalong nagkakagulo ang lahat. Hindi na magkamayaw sa palitan ng bala. Kahit saang parte na ng hospital ang sumasabog. Kahit saan may tumatakbo. Mayroon ding umiiyak. May duguan at sugatan. Naluha ako nang makita ang isang batang sa tingin ko ay nasa walong taong gulang pa lang ang akay ng isang sundalo at tumatakbo papunta sa ligtas na lugar upang sagipin ang bata. Isa naman sa kasamahan niyang sundalo ang pumoprotekta sa kanya.

Alam kong nararamdaman ni Aki ang nanginginig kong mga kamay dahil napabuntong hininga siya at umayos ng upo. Inabot ang remote at pinatay ang TV.

"Enough for that, mom."

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon