Chapter 33

3.3K 95 3
                                    

A/N: Excuse for the changes in writing format. The desire of being more formal in writing is the only reason. Yes, I will be re-edit the previous chapters.

Thank you Asters!

*****

Pinulot ko ang maiksing patay na sanga ng santol at iyon ang ginamit para ipunin ang mga nagkalat na patay na dahon at isinama sa mga naunang tumpok na sinilaban. In two months of staying here puts my heart in peace. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay walang nanggulo. Walang naging problema. Naging tahimik ang aming pananatili rito. Panandaliang nakalimutan ang takot.
Magkatulong kaming naglinis ni Aki ng bakuran ngayong umaga. Si Greg naman ay tapos nang linisin ang ibang bahagi ng bahay bago ito nagtungo sa ilog para mangisda kasama ni George.

"Can I go fishing now, mom? I wanna try it."
Tiningnan ko ang anak na seryosong nakatingin sa akin. Mana talaga sa ama. Palaging malamig at seryoso ang mga titig. Minsan lang kung makitang tumawa o ngumiti man lang. Ako pa ang kadalasang dahilan. Kapwa rin sila parehong mabilis magpalit ng mood.

Bumuntong hininga ako at tumango. "Fine. Be careful okay?

"I will," he answered.

Pinagmasdan ko ang anak na naglakad patungo sa direksyon ng ilog.

That is my son.

Tumatakbo para magtago. Pati pag-aaral ay naapektuhan. Wala siyang kalayaang magpakabata na siyang dahilan para sumikip ang dibdib ko. Ang sakit isipin na wala akong magawa para sa kanya bilang kanyang ina. This main battle is his and his father. Ang magagawa ko lang ay manatili para sa kanilang dalawa. Ang gabayan silang pareho. Make them feel that after a long tiring day full of uncertainties, there’s home and it is me. I want to let them feel the love and gentleness. Dahil sa nakikita ko ay pareho nilang pinipiling maging bato. Ginugusto nilang balewalain ang ano mang mga emosyon dahil sa tingin nila ay iyon ang kanilang magiging kahinaan.

If that’s the case, I want them to feel the emotions when they are with me so they can lean on my shoulders. They can face the world with their head held high. But I want them to come back to me with their head held down. I want their weak persona. Ayokong haharap sila sa akin na puno ng pagpapanggap. They can be weak with me. Hindi ko sila huhusgahan. Hindi ko sila ikakahiya.
They will always be my men.

If the world will reject them during bad times, I will embrace them and make them my world. Itakwil man sila ng mundo, sila ang habang buhay na kakailanganin ko para mabuo ang mundo naming tatlo. Walang ibang naroon kundi kami lang. There will be no pretending, no rejections and no running away.  All that there will be is love, gentleness and home.

"I love you!” I shouted.

  Kunot noo niya akong nilingon ngunit tipid ding ngumiti kalaunan. "I love you too, mom."
Tuluyan na siyang nawala sa gitna ng mga nagtatayugang mga puno kaya hindi ko na siya matanaw pa.

  Ibinalik ko ang atensyon sa mga tuyong dahon na sinusunog. Tumingala ako at pinanood ang mga usok na nagpapaligsahan sa paglipad paitaas. Para silang matagal nang nakakulong at ngayon lang nakalaya. Hinahayaan ang mga sariling liparin ng hangin sa kahit saang direksyon. Walang pagtutol.
Balang araw ay magiging katulad rin ng mga usok na ito ang anak ko. Lalaya at hahayaan kung saan man dalhin ng agos ng magandang buhay.

Bumuntong hininga ako at tinapos na ang paglilinis sa bakuran. Kailangan ko pa palang magluto. Nang maligpit ang walis at pandakot ay pumasok na ako ng kusina. Maliban sa pinto pagpasok ng sala ay may pinto rin sa kusina patungong likod ng bahay kaya’t doon na ako dumaan. Naaamoy ko ang kumapit na usok sa damit pero hinayaan ko na. Magluluto na lang muna ako bago maglinis ng katawan. Mauusukan lang din naman ulit dahil hindi stove ang gamit sa kusina.

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now