Chapter 18

5.4K 139 15
                                    

NANG MAKAUWI matapos ang maikling tagpo namin ni Tita Ella kahapon ay nagbonding lang kami ni Aki. Nanood kami ng mga favorite niyang movies. Ikinwento niya rin sa akin kung ano ang mga pangyayari sa mga favorite niyang books. May ilan doon na naiyak ako dahil tragic ang naging ending lalo na ang isang kwento. Yung tipong roller coaster at ferris wheel ang kaganapan. Yung twist ng kwento ay talagang hindi ko inaasahan kaya parang hindi ko agad natanggap. Nanatili akong lutang, nag-iisip at naiinis. Ang complicated din kasi masyado ng mga pinagdaanan ng mga bida kaya umasa talaga ako na happy ending dahil naniniwala ako na lahat ng paghihirap ay may ginhawang kapalit kapag nagtiyaga at nagtiis. Pero hindi naman pala. Hindi ganun ang nangyari sa kwentong 'yon. Sa kabila ng lahat ng paghihirap, nauwi lang din pala sa wala ang lahat.  

Siguro nga hindi lahat ng tao ay nagagantimpalaan sa buhay. Siguro hindi lahat ng tao ay makakaahon pa mula sa sakit. Ipinilig ko ang ulo. That's not it. Novel lang iyon. Siguro bitter ang author kaya ganun ang kinalabasan.

Ngunit kahit anong gawin kong pagkumbinse sa sarili na ganun nga ay hindi 'yon mawaglit sa isip ko. Maghapon iyong naglalaro sa isipan ko kaya napapailing na lang si Aki sa t'wing nadadaanan niya ako sa sala habang nagsesenti. Kahit pa nang naligo siya saglit sa swimming pool bago maghapunan ay nanatili akong affected sa ending ng kuwento. Nakaupo sa sofa ng sala at patuloy na iniisip kung ano ang gagawin kong ending kung sakaling ako ang author ng kwentong 'yon. For sure malayong malayo sa naging ending ng orihinal na nagsulat. The protagonists doesn't deserve it. They deserve something much much much more better. Buong maghapon ay mukha akong handa nang sumulong sa isang bakbakan. Nakakainis kasi eh! Bitter nga siguro ang author!

Napabuntong hininga ako. I miss writing. Maybe I am also frustrated because I haven't been my author self. Nailalabas ko sa pagsusulat ang mga bagay na hindi ko kayang gawin sa akto. In writing, I am free. I can be whoever I want me to be. 

But despite being occupied by that tragic story, Zykiel's missing presence didn't go unnoticed to me. Sa buong maghapon na nagbonding kami ni Aki ay hindi siya umuwi. Naramdaman ko na lang ang pagbalik niya kinagabihan ng mga alas onse y medya. Alam ko dahil nagpapahangin ako sa pool side para sana makapag-isip nang dumating siya. Well, para na rin maghintay. Zykiel being Zykiel, he moved quietly. Kung hindi ko pa siya nakita ay hindi ko mamamalayang may ibang tao pang gising maliban sa akin. I didn't approached him though. Sapat na sa akin ang malamang safe siyang nakauwi.

Not that I don't trust him. I know he's capable of protecting himself. But I also know for a fact that when driven by strong emotions, we tend to do stupid things. Iyan ang dahilan kung bakit ako nag-aalala kagabi. But seeing him coming home in one piece, the burden in my chest instantly vanished. Nakapatay ang main lights kaya siguro hindi niya ako napansin. We don't sleep on the same bed too so he won't know. Para hindi siya sundan sa kanyang sariling kwarto at komprontahin ay mas pinili kong hubarin ang suot na robe. Itinira lang ang undergarments saka lumusong sa pool. While doing some strokes I keep chanting in my head the words "you dont have the right". 

Hindi niya ako asawa para komprontahin ang late niyang pag-uwi. Komprontahin ang pag-alis niya ng walang paalam. Hindi niya ako asawa kaya wala akong karapatan para komprontahin siya sa hindi niya pag-iisip sa kung ano man lang ba ang pwede kong maramdaman sa biglaan niyang pagkawala na wala man lang sinasabing buhay pa ba siya o hindi na. Hindi niya ako asawa para magdemand ng time. At mas lalong hindi niya ako asawa para hintayin siya ng ganito pero bakit ako naghihintay? Hindi niya naman ako asawa kaya bakit ako nag-aalala ng sobra?

Hinayaan kong sakupin ng lamig ang buong sistema ko. Hindi inalintana ang nakakamanhid na lamig. The cold unbothered me in the slightest. I don't care if I will freeze to death. Kailangan kong magising sa kahibangan na 'to. I did a few laps. Nang makuntento at mahimasmasan ay umahon na ako. The wind blew and it is when I got affected by the cold. I shivered. Nakaramdam din ng pagod kaya hindi na ako nagtagal pa at umakyat na para maglinis ng katawan at matulog.

Hiding The Mafia's SonМесто, где живут истории. Откройте их для себя