Chapter 32

3.7K 85 4
                                    


Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kisame. Umaga na at nanatili pa rin akong nakahiga sa kawayang higaan katabi ni Zykiel. Maraming bagay ang naglalaro sa isipan. Nakapulupot ang isang braso niya sa bewang ko at ang isa naman ay ginawa kong unan.

We're still naked under the sheet.

"Penny of your thoughts?"

His cold voice interrupted my unending thoughts. Nilingon ko siya. I found him intently staring at me.

I gave him a small smile. "Kanina ka pa gising?"

He yawned before kissing the side of my head. "Nope. Just enough to see you stare fighting to the ceiling and counted 13 deep sigh,"

He joked with a smirk plastered on his gorgeous morning look and husky bedroom voice. Damn! Why does he have to be so hot?

And....

When the hell did I became a hungry woman for this man?

"Sira," sagot ko.

Bahagya kong kinurot ang kanyang braso na nakayakap sa bewang ko saka mas lalong isiniksik ang hubad kong katawan sa kanyang kahubaran.

He feels warm. I liked the feeling. It felt so good.

"Napapaisip lang ako. Ilang buwan pa lang pero kahit saan na tayo napunta para magtago."

Naging simple na lang ang buhay ko noon matapos ang bangungot na iyon. Wala akong ibang iniisip kundi ang anak ko. Wala akong ibang kinakatakutan kundi ang malayo ang loob nito sa akin.  Ginusto kong magpatuloy sa pag-aaral upang makapagtapos at maramdamang katulad lang din ako ng ibang mga babae riyan.

Normal na nakikipagsapalaran sa laro ng buhay.

May masalimuot mang pinagdaanan o wala.

Ngunit lahat ng iyon ay nagbago mula nang dumating muli si Zykiel sa buhay ko... sa buhay namin.

Ibang takot na naman ang namayani sa puso ko. Ibang bagay na naman ang tinatakbuhan ko. Ibang rason na naman ang pilit kong binibigyan ng maayos na pag-intindi. Maraming bagay ang pilit na umuukilkil sa isipan ko. Lalo na ang mga kaisipang "kung hindi na sana siya bumalik edi hindi na sana nangyayari ang lahat ng ito."

Pero tama rin naman ang isang sulok ng isipan kong sinasabi na "bumalik man siya o hindi, magpakita man siya o hindi, parte kami ng buhay niya. Parte ng buhay niya ang anak namin. At kahit ano pa ang mangyari hahanap at hahanapin ng mga kalaban ang anak namin. He's the heir after all. He is his successor,"

Humugot ako ng isang malalim na hininga at marahan iyong pinakawalan.

I don't want him to interpret all of these as my regret. Masaya akong nandito siya lalo na dahil nakikita kong masaya ang anak ko. It's just that we are under the circumtances where I never wanna see myself and my son involved.

"Until when will we run? Until when will we hide? Until when will we be afraid? Life's unpredictable Zykiel and I want our son to have a peaceful life that he truly deserved,"

Muli kong naramdaman ang bigat na dumagan sa aking dibdib. Kalmado man akong tingnan pero ang totoo'y ramdam ko pa rin ang takot at panginginig sa isiping nasa gitna kami ng makasariling laban at kahit ano mang oras ay pwedeng mawala sa akin ang anak ko. Especially that Zykiel taught him how to fight back with no remorse. He's young. He's my baby and he should be holding books not weapons. He should be in school not in a battle field. He should be out there having a life not running away.

I'm a mother and I only want the best for my son– and I know this isn't.

Hinagod niya ang likod ko. Pinapagaan ang nararamdaman. Muli kaming niyakap ng katahimikan. All I can hear is his beating heart against my ear pressed in his bare tight chest. We stayed like that while he whisper soothing words in my ears.

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon