Chapter 4

11.3K 309 69
                                    

"ELAINA IHA! Salamat sa diyos at nakarating ka nang ligtas," malaki ang ngiting salubong sa akin ni Manang Tess na nakaabang na sa gate pagbaba ko pa lang ng trisikad.

"Manang! Kamusta po kayo?" pangangamusta ko naman na may malapad ding ngiti. 

Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa pisngi na ikinatawa niya.

Siya ang Nana ko simula pa pagkabata. 30 years old lang siya nung nagsimula siyang alagaan ako at ngayong malapit na akong maging 22 ay 52 years old na siya.

Sobrang na-miss ko rin si Manang Tess. Nasanay kasi ako na lagi siyang kasama at lagi siyang nandiyan lalo na kapag may problema. Pero ngayon, kailangan ko nang maging independent lalo pa't malaki na ang responsibilidad ko.

"Ito, ayos naman. Halika anak, pasok ka."

Sumunod ako sa kanya habang bitbit ang mga gamit. Tinulungan naman ako ni Manang Tess sa ibang dalahin. Nang nasa loob na ng bahay ay inilibot ko ang tingin. Umaasang makikita ang siyang dahilan kung bakit ako naririto ngayon.

Napansin siguro iyon ni Manang Tess kaya nginitian niya ako.

"Naku! Wala pa si Aki. Pinasamahan ko muna kay Rosa sa pinakamalapit na tindahan dahil naghahanap ng chuckie. Kilala mo naman iyon."

Pareho kaming natawa ni Manang sa tinuran niya. Totoo kasing napakahilig ni Aki sa chuckie. Si ate Rosa naman ay ang kapitbahay namin na mahilig sa bata pero hindi magkaanak kaya iniwan noon ng asawa.

"Syempre Manang. Kanino pa po ba magmamana?" Sagot ko dahilan para mas lalo siyang matawa.

Mahilig din ako sa chuckie at mas lumala iyon noong ipinagbuntis ko si Aki kaya ayan, namana niya. Mas malala pa nga pagkahilig niya.

"Kayo talaga, oo. Oh siya! Initin ko na muna ang panghapunan mo. Magpahinga ka na lang sa kwarto mo at uutusan ko na lang si Aki mamaya pagbalik niya na gisingin ka para kumain," bilin ni Manang at tumuloy na sa kusina.

Hindi ako sumagot at sa halip na umakyat sa kwarto para magpahinga ay lumabas ako ng bahay. Sa gate ako maghihintay kay Aki. TAlagang hindi ako mapakali. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang nangyari. Paulit-ulit kong naaalala ang sulat.

Paglabas pa lang ay agad humalik sa pisngi ko ang malamig na simoy ng panggabing hangin ng isla. Bukod sa nag-aalala ako dahil alas-dyes na ng gabi at nasa labas pa si Aki ay gusto ko na talaga siyang makita. Gusto ko na siyang damhin sa mga bisig ko at yakapin ng mahigpit. 3 months of being away from him is hard but I know I have to.

Pero hindi na ngayong nandito siya. Hinding hindi ako lalayo sa kanya dahil kailangan ko siyang mahigpit na bantayan.

Naka-upo lang ako sa gilid ng gate at nakadukdok ang noo sa tuhod. Iniisip kung masusundan niya pa ba kami kahit dito sa isla. Hindi na ako babalik sa siyudad para masigurong ligtas si Aki. Wala na rin namang dapat na alalahanin sa school dahil tapos ko na lahat. Foundation day na lang naman ang kulang at graduation na namin. I am a graduating nursing student. Pinahuli kasi ang foundation day dulot ng napakaraming activities. Lalo na nasunugan ang school kaya nagrerecover pa.

Habang naghihintay ay maraming katanungan at mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Gaya ng mga katanungang bakit siya bumalik? Ano ang sadya niya ngayon? Sasaktan niya ba ako ulit? Alam niya na bang nabubuhay si Aki? May pinaplano na naman ba siyang masama?

Ang daming katanungang pwedeng maging posibilidad na dahilan sa biglaan niyang pagsulpot. Sa dami ay halos sumakit ang ulo ko sa kakaisip.

Sampung taon na ang lumipas. Sampung taon na inaayos ko ang sarili ko para kay Aki. Sampung taon na pilit kong ibinabaon sa limot ang bangungot ng nakaraan. Sampung taon na pilit kong kinakalimutan ang mga gabing pa-ulit ulit akong nagmakaawang patayin na lang. Sampung taon na pilit kinakalimutan ang lahat ng nilunok kong halinghing, hikbi, at pagmamakaawa sa tuwing nasasaktan sa bawat marahas na ulos na natanggap. Dahilan upang mawasak ang buo kong pagkatao.

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon