#7 - Sixty Seconds

16 5 0
                                    

"T-Tulong..."

Pinilit kong igalaw ang isang kamay ko at itinaas, nanghihingi ng saklolo. Gusto ko ring igalaw ang iba pang parte ng katawan ko pero hindi ko magawa, hindi ko maramdaman ang iba. Hindi ko rin maidilat nang maayos ang mga mata ko at nanlalabo pa ito.

"T-Tulong... T-Tulungan n'yo ako..."

Nakarinig ako ng mababagal na hakbang papunta sa akin. Pinilit kong lingonin 'yon para tignan. Isang pigura ng lalaking nakaitim ang papalapit. Hindi ko tuluyang masilayan ng buo ang mukha niya dahil sa namumuong luha sa mata ko.

"Pakiusap... Tulungan mo ako..."

Huminto siya sa tabi ko hindi kalayuan. Sinubukan kong abutin ang sapatos niya pero hindi ko kaya. Ibinigkas ko ulit ang paghingi ng tulong.

"Mayroon kang animnapung segundo bago umalis."

"A-Anong..."

I didn't understand what he's saying but tears started to ran down my cheeks.

"'Ma, sunog na naman! Ayoko na!" Mabilis kong tinanggal ang suot kong apron at padabog na nilapag 'yon sa lamesa.

Pumasok si Mama at agad lumipad ang tingin niya sa tray sa harapan ko at pagkatapos sa akin.

"Sunog na naman?"

"Nakakainis! Ayoko na! Lagi na lang sunog 'yong mga cookies na ginagawa ko!"

Sinagot niya ko ng tawa na lalo kong isinimangot. Naturingan akong anak ng isang chef tapos hindi ako marunong magluto at mag-bake? Ampon ata talaga ako, eh.

"Okay lang 'yan. We can still try it another time," she consoled me.

"Tama naman ang ginawa ko! Sinunod ko ang instructions mo! Bakit sunog pa rin, 'Ma?" bigo kong sabi.

"That's okay. Ganiyan rin ako noon no'ng nag-aaral pa lang ako magluto."

I pouted. I don't believe her. She's so good at this! Kaya nga niya nakuha si Papa ay dahil sa galing niya sa kusina. Why can't I be like that?

"Anong amoy 'yon? Parang sunog?"

Umalingawngaw ang boses ng papa ko at ilang sandali pa ay pumasok na siya sa loob ng kusina.

"Oh, Frances? Nakasunog ka ulit?" pabiro niyang sabi.

Umirap ako sa kawalan at itinapon na lang ang mga gawang cookies sa malapit na basurahan. Pareho silang nagtawanan ni Mama sa ginawa ko.

Mama consoled me again at kalauna'y nakitawa na rin ako sa kanila. Si Mama na ang nag-bake ng meryenda para sa amin.

"Kinakabahan ka?"

"Oo, eh. Baka hindi ako tanggapin ng mga parents mo."

"Hindi 'yan! I'm sure they'll like you. So don't be nervous, okay?"

"Okay." He heaved a deep sigh and finally smiled.

Kanina pa siya kinakabahan. He's my first boyfriend and I want him already to meet my parents. Alam kong dapat ang ipakikilala mo sa mga magulang mo ay 'yong taong sigurado ka nang makakasama mo sa pagtanda but my family's say about the happenings in my life matters to me.

Pinindot ko na ang doorbell namin at hinintay na pagbuksan kami. Nagulat si manang na makita akong may kasamang hindi niya kilala. Puno ng tanong ang mga mata niya sa akin pero hindi niya nagawang magtanong at magsalita.

Pagkapasok ay narinig ko agad ang nagtatawanang mga magulang ko dahil sa isang palabas. I smiled at the sight of them. I'm so blessed to have them as my parents. Kahit na minsan ay busy sila sa sari-sariling trabaho at ako lang ang naiiwan dahil wala naman akong kapatid, ni minsan hindi ko naramdaman na may kulang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tangled Words on My HeadWhere stories live. Discover now