#6 - The Day Before the Marriage

20 7 11
                                    

This feels like a dream. I thought I'll never be happy like this again. But he came and made me see the beautiful things in life. And now, I've almost been married to the man I've been praying for.

Isang haplos pa ang iginawad ko sa aming litrato bago 'yon inilapag. Hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko. Para na akong baliw. Hindi na ako makapaghintay!

Ikakasal na kami ni Jasper bukas!

I still can't believe it. Parang kahapon lang, ayaw pa namin sa isa't isa tapos ngayon, magiging asawa ko na siya. I can't wait to build a big family with him and grow old with him.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag doon sa dis oras ng gabi.

"Jasper?"

"I'm here, babe."

"Ha? Saan?"

"Sa labas ng bahay n'yo."

"What?!" Agad akong lumapit sa bintana ng kwarto ko at sinilip ang labas. Nandoon nga siya! Baliw 'to! Anong ginagawa niya dito?

"What are you doing? Bawal tayong magkita!" Pareho kaming nakatitig sa isa't isa habang sa cellphone pa rin nag-uusap.

"Fuck superstitions. I want to see you now, please?" he pleaded.

I bit my lip. Gusto ko rin naman siyang makita. But it's not the right time for it! Saka, kasal naman na namin bukas. Can't he wait?

"Pero Jasper..."

"Please, baby?"

I sighed. Idinaan ako sa lambing porke't marupok ako sa ganiyan niya.

"Okay, bababa na ko. D'yan ka lang."

It's almost midnight kaya paniguradong tulog na sina mommy at daddy. Pati na rin siguro ang mga katulong. Wala naman sigurong makakakita sa aking pupuslit palabas para kitain ang fiancé ko.

"Babe!" Sinalubong ko siya ng yakap nang tuluyang makalabas ako nang tahimik sa gate namin. He wrapped her arms around me.

"Ikaw, ang tigas talaga ng ulo mo! Sabing bawal muna tayong magkita, eh!"

"I don't care. I miss you and I want to see you." Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Napangiti ako.

"I miss you too."

Kalaunan ay kumalas na kami sa yakap ng isa't isa. Tinitigan niya ko ng malalim sa mga mata.

"Let's go."

"Ha? Aalis tayo? Saan?"

"Basta."

Sumakay kaming dalawa sa sasakyan niya. I watched him as he drove.

May iba akong nararamdaman. Parang... may iba ngayon sa kaniya. Pero hindi ko matukoy kung ano 'yon. I shrugged the thought.

"Saglit lang ba tayo? Naka-pajama pa ako."

"Don't worry, babe. Babalik rin tayo agad."

"Okay pero hindi naman ako nag-aalala. I trust you, babe."

Hindi ko na tinanong kung saan ang punta namin hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang marahang tapik niya sa aking pisngi.

"Wake up, baby. Nandito na tayo."

Kinusot ko ang mga mata. Naunang lumabas si Jasper. Inayos ko pa ang itsura ko bago ako lumabas ng kotse.

"Wow." I whispered in astonishment as I stared at the whole place. The darkness was filled with shining city lights. Ang sarap pagmasdan. Idagdag mo pa ang liwanag na ibinibigay ng bilog na buwan sa itaas. It was beautiful and breathtaking.

Tangled Words on My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon