#4 - Her Last Words

33 10 9
                                    

Malalim akong napabuntonghininga. Matagal akong nakatitig sa labas mula sa bintana bago ko ibinalik ang paningin sa kaniya. My mouth automatically curved into a smile as I saw his angelic face. Naalala ko ang una naming pagkikita.

There was a heavy rain. Pahirapan ang makakuha ng masasakyan. Ayoko sana mag-bus dahil punuan pero wala na kong choice.

Nakipagsiksikan ako sa pagpasok. Walang bakanteng upuan. Pumwesto ako sa gitna at naghanap ng makakapitan. Nailang ako dahil tatlong lalaki ang nasa paligid ko.

Mag-iisang oras na nang sa wakas ay marami nang bababa ng bus. Ini-ready ko na ang sarili ko sa mangyayaring paunahan makakuha ng upuan. Saktong mababakante ang nasa harap ko. Palapit na ko sa upuan na 'yon pero naunahan ako ng isang lalaki.

My lips parted as I stared at that person. Naramdaman niya ata ang tingin ko kaya napatingin rin siya sa akin.

"May kailangan ka ba, Miss?" inosenteng tanong niya. Seriously? Hindi ba halata? Argh. Is chivalry nowadays really dead?

Inirapan ko nga at inayos na lang ang pagkakatayo ko. Tumalikod ako sa pwesto ng ungentleman na 'yon.

Yes, gets ko naman na hindi porke't babae kami ay laging kami ang papaboran. Syempre naiisip ko rin na baka sobrang pagod na si kuya kaya gusto niya nang makaupo pero-okay, I accept my defeat.

Nagulat ako nang may biglang humila ng bag ko sa likod. Susuwayin ko na sana nang makita ang kaninang lalaki na nakatayo na sa tabi ko.

"Miss, doon ka na lang sa inuupuan ko," aniya.

"H-Huh?" Napatigalgal ako.

"Sige na, upo ka na."

Tinulak pa niya ako ng kaonti para makaupo na nang tuluyan. Napatingala ako sa kaniya sa ginawa niya. Napansin ko ang masama niyang titig sa isang lalaki na katabi ko no'ng nakatayo pa ako. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung bakit ibinigay niya sa akin ang upuan niya at kung bakit inis siya habang tinitignan ang isang lalaking pasahero.

Hindi 'yon ang una at huling pagkikita namin. Nasundan 'yon ng maraming beses pa. Hanggang sa naging magkaibigan kami, nakilala ang isa't isa, nagkamabutihan... hanggang sa ikasal.

My hand moved in its own way to touch his face. Marahan kong pinasadahan ng daliri ang bawat parte ng mukha niya. His warm and comforting eyes that always tell me that I'm the most beautiful girl in his sight. His pointed nose that I love to pinch every time. His luscious lips... I could still remember the taste of it in our first kiss.

I miss him, badly.

"Love," my voice cracked. Lumunok ako para mawala ang bara sa lalamunan. "You'll be okay there, right? Hintayin mo ko, huwag mo kong ipagpapalit sa iba, ha?" Mahina akong natawa. "Saglit lang naman tayong magkakahiwalay, makasusunod rin ako roon." Ngumiti ako at tumingala, pinipigilang tumulo ang mga nagbabadyang luha.

"You told me before that I'm a very reserved woman. I'm not expressive as you are. Kaya nagsisisi ako ngayon na hindi ko madalas sinasabi ang nararamdaman ko sa 'yo. This would maybe the last time na masasabi ko sa 'yo 'to." Pinalis ko ang pumatak na luha sa mata. "Mahal na mahal kita, Nathan. I'm so blessed that He gave me someone like you. Hindi ko alam kung anong mabuting nagawa ko sa past life ko kaya ibinigay ka niya sa akin. You are the man of my prayers. You are the man of my dreams. Ikaw ang matagal kong hiniling sa Kaniya at ibinigay Niya na... ngayon ay babawiin Niya na."

"Excuse me, Ma'am." Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi nang may magsalita sa likuran ko. "Nakahanda na po ang lahat."

I smiled as I stood up to face the nurse. "G-Gano'n ba? S-Sige, lalabas na ko." Mabigat ang mga paang naglakad ako palayo sa kaniya. Nang nasa pintuan na ko ay hindi ko napigilang lumingon. Gano'n pa rin ang ayos niya. Mahimbing pa rin ang kaniyang tulog sa tabi ng makinang nakakabit sa kaniya.

Gumising ka na, Love. Please.

Bago ako tuluyang makalabas ng kwarto ay tumigil ako. "Ate, wait lang." Lalapit na sana ako ulit sa kaniya nang pigilan ako ng nurse.
"Wait lang po. May sasabihin pa ako sa asawa ko."

"Hindi na po p'wede, Ma'am. Sorry po."

"A-Anong hindi p'wede?! Saglit lang ako!" I shouted in fear.

"Sige na po, Ma'am, labas na po tayo." Hinawakan niya ko sa braso at marahang pinihit palabas.

"No! Ano ba?! Sabing kakausapin ko pa ang asawa ko!"

"Anak..." Dumalo sa akin si Mama at hinila ako sa tabi niya. "Tama na 'yan. Hayaan mo na ang asawa mo, sige na."

"'Ma, bakit n'yo ba ko pinipigilan? Ayokong iwan si Love sa loob!" I wept.

Bumitaw ako sa hawak niya at muling lumapit sa kwarto ng asawa ko. Hindi ko magawang makapasok dahil sa pagpigil ng mga nurse doon.

"Love! Love! Please, let me in! Please! Love, gumising ka na! Love!" Hindi ko alintana ang mabilis na pagbuhos ng mga luha ko. I thought I'm ready for this, but hell, I would never be.

Lumapit ulit sa akin si Mama, pareho na kaming basa ng luha. "Tandaan mo, 'nak, ikaw ang nagdesisyong tapusin na ang paghihirap ng asawa mo. Palayain mo na siya."

"'Ma, ang asawa ko. Hindi ko pa kaya, 'Ma. H-Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko... Hindi ko kakayanin. Do something, please... wake him up."

Umiiyak akong nakatitig sa ginagawa sa kaniya ng doctor sa loob. Gusto kong basagin itong salamin na naghihiwalay sa amin. Gusto ko silang pigilan. P'wede ko pa namang bawiin ang desisyon ko, 'di ba? 'Di ba?

Napatakip na lamang ako ng bibig at napahagulgol nang marinig ko ang matinis na tunog na 'yon na nagmumula sa makina. My eyes were mournful when I witnessed how the heart beat lines from the machine turned into a straight dead line.

Love...

"Time of death. 4:29 pm."

-
© Pinterest (for the used illustration)

Tangled Words on My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon