Women Power

12 0 0
                                    

"Uy! Siya ba 'yun?"


"Hala! Siya nga! Grabe naman!"


"Ang landi niya!"


"Bakit niya hinayaan 'yun? Nakakahiya siya!"


"'Yan kasi! Kasalanan naman niya 'yan!"


Ito ang mga salitang narinig ko habang naglalakad ako sa hallway papasok sa classroom. Sinalubong ako ng mga tingin at bulungan ng mga schoolmates ko. Anong meron? May nagawa ba ako?


Pagpasok ko sa classroom, nagtinginan lahat sa akin. Napansin ko si Jea na hindi makatingin ng diretso sa akin. She looked worried. What's wrong?


"Is everything okay?" maang tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya. Hindi pa rin maalis ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Nilapag ko ang bag ko sa ilalim ng lamesa.


Bumuntong hininga siya. "H-have you seen it?" Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin.


"Seen what?" I frowned. 


Mabagal niyang nilabas ang phone niya at pumunta sa Mail. Medyo nanginginig pa ang mga kamay niya. I couldn't read the sender but she showed me an email with nude photos. My nude photos. May picture ako na naka-bra at panty lang. Meron namang naka-kagat ang labi ko at hawak ko ang left boob ko. Meron ding picture na nakatalikod ako at kita ang pwet ko.


I was surprised! Kaya pala pinagtitinginan nila ako kanina sa hallway hanggang sa pumasok ako ng classroom. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Should I cry? Should I get out of here? Should I go home? I can't deny it because my face is there!! 


"Jes, anong nangyari?" tanong ni Jea. "Bakit sinend 'to ni Michael? Hindi lang sa akin kung hindi sa buong school!"


"What?!" Parang nagdilim ang paningin ko. Agad akong tumayo at lumabas ng classroom para hanapin si Michael. That fucking guy! Magbabayad siya sa ginawa niyang 'to!


Pagbaba ko sa ground floor, I saw Michael running towards me. Hindi maipinta ang kanyang mukha sa sobrang pagaalala. Hingal na hingal siya nang makalapit sa akin. Michael, you sick fuck!


"Let me explain, Jes. I didn't do it! My email was hacked!" hingal niyang sabi at nakahawak siya sa dibdib niya. "I swear!"


PAK!


Isang malakas na sampal galing sa akin ang sinagot ko sa kanya.


"I broke up with you but that does not give you the right to leak my private photos in public!" gigil kong sabi. Konti nalang at masusuntok ko na siya sa sobrang galit ko. 


"Jes, maniwala ka sa akin!" pagmamakaawa niya. Hinawakan nya ang magkabila kong braso pero agad akong pumiglas.


"Don't you dare touch me again, you fucking liar!" saka ako tumalikod sa kanya at dumiretso papunta sa classroom. Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin at naglakad na palayo.

Deaf EarsWhere stories live. Discover now