PROLOGUE

73 58 58
                                    

"HOY, ASHLEY!"

"ASHLEY!"

Itinakip ko na lang ang unan na yakap yakap ko dahil sa naririnig kong boses ni Nhyzha. Ang aga aga siya agad naririnig ko, antok na antok pa ako eh.

Hindi ko na lamang siya pinansin at itutuloy nalang sana ang naistorbo kong tulog dahil bigla nalang siyang tumamihik. Akala ko tuloy sumuko na siya.

Ngunit agad akong napabangon nang may kung sinong hinayupak ang humila sa paa ko.

"Good morning."nakangiti niyang bati sa akin pagtingin ko sa kan'ya. "Tangina mo bumangon ka na."sabay inangat ang kamay niya at nag-bad finger sa akin.

Ano nanaman kayang problema nito at nangigising na lang bigla. Ke aga aga namura agad ako. Gandang breakfast n'yan ah. Nakakabusog.

"Oh, bakit ba nandito ka, Nhyz?"naguguluhang tanong ko habang kinusot kusot ko pa ang aking mata. "Aray ko, tangina mo ka."hiyaw ko sa kaniya. Imbes kasi na sagutin ang tanong ko, binatukan lang ako. Pisti 'to, attitude na mapanaket pa.

"Gaga ka, diba nga ay pupunta tayong mall ngayon kasama ang mga 'pepel'."sarkastikong sabi nya sakin. Hindi pa nakuntento at inirapan pa ako.

Agad akong bumangon nang maalala kong may lakad pala kami ngayon ng mga kaibigan ko.
I haven't slept early last night because I watched anime. You know hentai is layf huhu.

"Hay...late na nga akong pumunta dito kasi alam kong mabubulok ako dito kakahintay sayo dahil sa sobrang tagal mong magkilay."napanguso na lang ako dahil sa sinabi ni Nhyzha. Kung makapal lang talaga kilay ko kanina pa kami umalis kaso hindi eh huhu. Sana all makapal kilay diba?

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na kami ng bahay. I chose to wear my simple shirt and denim pants along with my white rubber shoes. Just the same as Nhyzha wearing. Ang kaibahan lang ay may print ang aking shirt.

Papunta naman kami ngayon sa bahay nila Kitchie, my other 'pepel' friend. That is the place where we all decided to meet up. Medyo malayo yung bahay niya pero nilalakad lang namin 'yon ni Nhyzha, magda-dalawang pamasahe pa kasi kami 'pag nagkataon.

Halos mapaupo na lang kami ni Nhyzha nang makarating kami doon na wala pa yung iba naming kaibigan sa bahay nila Kitchie. Ang sabi dapat 9:30 nandito na pero wala pa rin sila dito. Ang aga aga pa naman akong ginising ni Nhyzha, eight ng umaga 'yon! Nakasanayan na kasi naming pumunta ng mall bago pa magbukas 'yon tapos doon lang kami hanggang mag alas singko ng hapon.

Hindi ko nga alam kung paano kami nakakatagal sa mall, eh ang dala lang naman naming pera ay two hundred lang.

Grabe ang dapat na 9:30 naging eleven o'clock, mga gan'yang oras na kasi sila isa-isang dumadating hanggang sa sumapit na ang alas dose saka palang kami nakumpleto. That's what you call 'talkshit'.

"Tara na nga, ang aaga nyo kasing dumating eh."aya ko na sa kanila. Paano ay pa-sitting pretty pa kasi sila eh. Nandito palang kami nagreretouch na sila. Nakakabwiset.

Lumakad na kami papuntang sakayan at sumakay ng jeep. Mag sasalamin sana ako kaya kinakapa-kapa ko yung bag ko, ang kaso hindi ko mahanap yung cellphone ko!

'Hala gago, nasaan na yung cellphone ko?'

"Chie, nasa iyo ba cellphone ko?"tanong ko kay Kitchie habang kinakalkal padin yung bag ko.

Halos magunaw ata ang mundo ko nang umiling siya sakin. I'm doomed. Lagot ako kay mama 'pag nawala cellphone ko. But I'm sure I put that cellphone in my bag! Shit.

"Baka naiwan mo kila Kitchie?"agad akong napatingin dahil sa naging tanong ni Nhyzha sakin.

"Samahan mo ko, Nhyz."paawang sabi ko kay Nhyzha. Umiling iling siya sakin kaya akala ko hindi sya sasama.

Shit. I have been using that cellphone for four years. Sayang talaga kapag hindi ko nahanap 'yon, Iphone pa man din 'yon.

Muntik na akong mapatalon sa tuwa nang siya na mismo ang pumara sa jeep. Hindi pa naman kasi ganon kalayo ang na byahe ng jeep dahil medyo traffic dito sa daan.

Agad kaming tumakbong dalawa pagkababang pagkababa namin sa jeep, patuloy ko pa ring kinakalkal ang lahat ng bulsa ng bag ko habang natakbo kami.

Sandali naman akong napahinto nang makapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Anak ng! Nandito lang pala 'to, kinuha ko pala 'to sa bag ko kanina nang tinignan ko ang oras sa cellphone ko!

Nakatanggap naman agad ako ng batok kay Nhyzha pagkasabi kong nakita ko na 'yong cellphone ko. Tumakbo tuloy ulit kaming dalawa pabalik sa jeep at baka umandar na iyon.

"Tangina mo talaga Ash."rinig kong sabi ni Nhyzha sakin habang tumatakbo. I just laughed because of stupidity.

Sa sobrang bilis naming tumakbo, hindi ko na napansin na may bato pala sa harap ko, huli na nang maisip kong umiwas dahil natapakan ko na at nadapa na ako.

"TANGINA ASH, NAKAIN MO YUNG ITLOG!"

Hindi ganon kalakas ang impact ko dahil may binagsakan akong kung ano, pero infairness ang bango nung nabagsakan ko ah. Destiny na ba this. Parang sa wattpad lang sis.

Dahan dahan kong tinignan ang nabagsakan ko. Napaawang ang mga labi at nanlalaki ang mata ko nang napagtanto ko kung saan ako bumagsak. SA TUTUT NG LALAKI.

Oh my gosh. Agad na namula ang buong mukha ko dahil.. ang laki!!! Ilang inch kaya 'to?

Mabilis akong bumangon at nakayukong humingi ng paumanhin at saka agad kong hinila si Nhyzha na tulala pa ata sa nangyari. Mabuti na lang at malapit lang sa amin yung jeep kaya nakasakay agad kami.

Akma pa sana kaming hahabulin noong lalaki nang umandar na yung jeep na sinasakyan namin kaya napahinga na lang ako nang maluwag.

Ang malas naman kasi, bakit sa dinami-dami naman ng p'wedeng bagsakan sa 'ano' pa talaga ng lalaki. Tangina nemen. Kahit malaki pa yung 'ano' niya! That was my firstime! Nakakahiya!

"Hindi ko alam na wild ka pala Ash." Napailing na lang ako sa sinabi ni Nhyzha.

Kung alam ko lang talaga na magugulo ang buhay ko ng dahil sa pagkadapa ko, sana hindi na ko talaga bumaba ng jeep nang araw na 'yon.

———

Torifuzirika005

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Where stories live. Discover now