"I know right?" Nakaangat ang kilay na sabi nito na mababakasan mo ang pagmamalaki sa tinig at tono ng boses nito.

"Oo na lang."

"Kamusta naman kayo ni Deus?"

Sumeryoso ang mukha ko ngunit agad akong huminga at pekeng ngumiti sa kaniya.

"We're doing well. Uuwi na siya mamaya galing sa one week nitong business trip sa US. Excited na nga akong makita siya ulit. Namiss ko na siya." Malambing na sabi ko. Gusto kong mapangiwi dahil hindi ko alam kung epektibo ba ang pagsisinungaling ko sa bagay na iyon. Hanggang ngayon ay big deal pa rin sa akin ang nangyari sa pagitan naming tatlo nila Leana. Hindi na ata nabura sa isip ko iyon sa buong linggo.

Kapag naiisip ko ang nangyari sa araw na iyon ay pawang lungkot at inis ang nararamdaman ko. Dumagdag pa na ni minsan ay hindi tumawag o nagtext man lang sa akin si Deus magbuhat ng umalis siya. Nakakalungkot dahil kahit asawa na niya ako ay hindi ko ramdam ang presensiya niya sa buhay ko.

"Savi." Untag sa akin ni Koko at nakita ko na wala na ang maaliwalas nitong mukha at napalitan ng pagiging seryoso.

"Isang linggo ka ng kasal kay Deus. Sa isang linggo anong naging pakiramdam mo?"

Natigalan ako sa tanong niya. Humahagilap ako ng tamang salita na maari kong gamitin upang magsinungaling muli sa maskara namin ni Deus bilang isang masayang mag-asawa.

Bubuka na sana ang bibig ko upang masalita nang ngumiti siya sa akin na para bang nagsasabi na huwag ko ng ituloy ang sasabihin ko dahil hindi rin naman siya maniniwala.

"Stop fooling yourself by being with a wrong person."

Natahimik ako at nagbaba ng tingin.

"Ito ba talaga ang pinangarap mo, Savi? Ganitong buhay ba talaga? You're better than this. Kilala na kita noon pa man at alam ko na alam mo rin sa sarili mo na hindi ito ang gusto mo."

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya. Koko is right. This is not me. I'm a fool. I stupidly let things happen and I fell in my own trap. May pangarap ako, may gusto akong mangyari sa buhay ko pero dahil kay Deus ay sinakripisiyo ko ang lahat ng iyon. Lagi kong iniisip na magiging worth it din ang lahat lalo na kapag minahal na ako ni Deus.

"Love or Dream?"

Napatunghay ako sa kaniya.

"Why can't I have both?" Puno ng hinanakit na tanong ko. Why can't I have it?

"I have both." She happily said to me. Sinsero ang mga mata niya at bakas roon ang pagiging kuntento niya sa kung anong meron siya ngayon.

"Luxury is too good for me but you also deserve a man like that, Savi. You should have a man who can understand you, support you and love you while reaching your dreams. Get a man who will fill your heart with happiness and care like it's a fragile and precious thing."

"Pain is part of loving a person." Mahinang usal ko sa kaniya. Iyon na lang ang lagi kong naiisip na katuwiran para pagtakpan lahat ng pagbubulagbulagan ko sa pagmamahal ko kay Deus.

"Pain is part of being in love but staying in pain while loving that person who always break your heart is something that is worth leaving." Seryosong sabi niya sa akin at bakas ang awa sa tinig nito.

Isang linggo pa lang naman kaming kasal ni Deus. Marami pang pwedeng mangyari. Maaaring tama si Koko na hindi dapat ako nag-iistay sa lalakeng lagi akong sinasaktan pero nandito na ito. Kailangan ko na lamang lunukin ang bawat sakit na matatanggap ko at punasan ang bawat luha sa mga mata ko sa tuwing masasaktan ako.

"I'm strong enough to stay, Koko."

Mapakla siyang natawa sa akin at nahiya naman ako dahil doon.

"You are staying because you can't live without him. Is that what you called being strong? Pathetic."

Tumalim ang mata ko. Pathetic? Nainsulto ako dahil doon.

"Of course you can say that. Ikaw naman laging nang-iiwan kay Lux 'di ba?" Sarkastikong balik ko sa kaniya.

"May binabalikan ako."

"That's because Lux is good enough to wait for you."

Natawa muli siya. "That's my point. I have a man who can wait for me no matter what while I'm busy reaching my own goals in life. Isn't that the best thing that you can have? Having a home in your man's heart. How about you?"

I gritted my teeth. I'm pissed.

Maya-maya pa ay may kinuhang papel si Koko sa maleta at ipinatong iyon sa table.

"See it to yourself then tell me again that you deserve to be with that man."

Kinuha ko iyon at parang namanhid ako nang makita ko ang mga iyon. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya.

"No..."

Malungkot siyang ngumiti sa akin. Iyong mga mata niya ay nakikisimpatiya sa akin.

"Iyan ba ang gusto mong lalake, Savi? Ni hindi man lang siya nag-abalang irehistro ang kasal niyong dalawa. Nakipaglaro ka sa kaniya pero ikaw ang nadaya."

Iling lamang ako ng iling at natulala hanggang sa humigpit ang pagkakahawak ko sa dokumentong hawak ko. Gusto kong sabihin na sinungaling si Koko pero alam kong hindi ito pekeng dokumento. Sarili ko na mismo ang niloloko ko.

Sabay-sabay na nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata ko.

Ginawa mo na naman akong tanga, Deus.

Hurts so Good [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon