Chapter 0.5

126 15 2
                                    

Ruru's POV

"siya yung vocalist kanina sa stage diba?"
"ay oo ang ganda ng boses niya, tapos tignan mo ang gwapo pa."
"gifted!"
"sa FEU daw yan"
"ah scholar?"
"oo"
"matalino rin wow"

"pinaguusapan ka nila a" natatawang bulong ni Phobos sa'kin, nginiwian ko lang siya.

"ikaw kakanta mamaya hoy, papahinga ako" pagiiba ko sa topic, kinunutan niya ako ng noo.

"andyan si Paffie wag mo 'ko tignan ng gan'yan." sabi ko naman.

"tara na, Phobos!" tawag sa kanya ni Kol, "ge pre pahinga well, pag nakakita ka ng chixx save mo'ko isa." sabi niya at tumakbo na palapit sa stage.

nagmasid masid ako sa paligid. pinaguusapan nila ako pero ayaw ako lapitan. hina niyo naman edi sana kinilig na kayo sa banat ko ngayon.

"Mag-isa at walang makasama
Nag-aabang kung sino man ang kakausap
Nagtatanong kung bakit nga ba nandito"

nagmasid masid ako sa paligid at may naka-agaw ng pansin ko.

onggondo. napatingin din siya sa'kin at ngumiti.

"Paglingon, ikaw agad ang nakita
Di maiwasan na ikaw ay titigan
Nag-iisip kung paano lalapit sa'yo"

agad akong lumapit sa kanya habang nakangiti.

"hi, i'm Ruru." nakangiting pakilala ko sabay lahad ng kamay, "Xash Sytania." nakangiti ring sabi niya.

"Hindi namalayan, bigla na lang
Nagkatabi at nagtawanan
Sa isang iglap, nagkayayaan, oh"

"tara sayaw?" nakangiting yaya ko sa kanya, tumayo siya at siya mismo ang humila sa'kin sa dance floor.

"Sumayaw
Kasabay ang masaya na tugtugan
Itaas ang kamay
At sabay magtatalunan
Ikaw at ako, parang atin ang mundo
Atin ang mundo
Woh-oh-oh-oh-oh"

"galing mo sumayaw a" nakangiting sabi ko sa kanya pagkabalik sa upuan, "we? magba-bio na ako ng dancerist sa facebook ko. HAHAHAHAHAHAHA" sabi niya at tinungga yung beer na nasa harap niya, "so anong ginagawa mo rito? why are you here, alone?" tanong ko habang naka-titig sa kanya.

"isang beer pa nga kuya," sabi niya sa bartender at lumingon sa'kin, "may sinamahan akong friend pero tinangay na siya ng lalaki do'n sa dance floor." page-explain niya, tumango naman ako.

ilang minuto na kaming 'di nagu-usap at pinapanood lang yung banda ko sa stage.

"ikaw yung vocalist d'yan 'di ba?" tanong niya, tumango naman ako, "kung tatanungin mo ba't wala ako do'n, nagpapahinga lang ako." napatango tango naman siya.

maya-maya ay may lumapit sa kanyang lalaki.

"hi, beautiful." sabi niya at hinawakan ang bewang ni Xash, lumingon ito sa'kin na para bang nanghihingi ng tulong.

hinila ko yung lalaki at tinulak ng mahina, "don't touch my girl." nakakunot noong sabi ko.

"your girl?" tanong niya, "prove it." nakangising sabi niya.

"kiss her." sabi nito, lumingon ako kay Xash at gulat ang mata niya.

hinila ko ng mahina ang kamay ni Xash upang mapaharap siya sa'kin, hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya.

naka-halik lang ako hanggang sa umalis yung lalaki.

tinulak naman agad ako ni Xash, "Xash tara na!" sigaw ng isang babae, lumingon sa'kin Xash.

"good kisser." sabi niya sa'kin at umalis na.

   ⬇️ pindutin mo 'to.

Sound of the Broken Soul (Rhythm Series #1)Where stories live. Discover now