[13] Dati

5.2K 294 113
                                    

E  L  L  A

 

          Weekend ngayon at malapit nang magtanghalian pero nakahilata pa rin ako sa kama ko. Kahapon pa ako ganito, napaka-lifeless ko. Hindi pa nga ako nakakapagpakita kila mommy eh. Hanggang sa makauwi ako ay umiiyak pa rin ako, kaya nga nakuha akong padaanin na lang ni Xander sa bintana niya para walang iba na makakita sa akin na umiiyak eh.

            Napaka-wrong timing rin dahil nagkaroon ako. Masakit na nga yung nararamdaman ko emotionally, dinagdagan pa physically. Yun na rin ang dahilan kung bakit nakahiga na lang ako, ang sakit kasi ng puson at ng likod ko.

            “Ella, di ka ba babangon pa? Kakain na” narinig ko yung boses ni mommy sa labas.

            “Ayaw” simple kong sagot. Pagkatapos noon ay di ko na siya narinig pa. Nakahalata na rin siguro sila na may problema ako, kagabi ko pa kasi sila iniiwasan. Sure rin ako na tatanungin nila si Xander, ewan ko na lang kung ano sinabi nung lalaking yun.

            Di nagtagal at nakarinig ako ng kumakatok sa bintana ko. Tumingin ako at nakita ko si Xander, di ko sana siya papansinin kaso nakita kong kasama niya si Ashley. Kaya kahit masakit yung katawan ko ay pinilit kong tumayo, binuksan ko yung bintana at binati ko na lang sila.

            “Kagabi pa nagtatanong si Ash kung okay ka na ba” sabi ni Xander habang nakatingin siya ng seryoso sa akin. “Umiyak rin siya kagabi nung nakita ka niya eh” paliwanag niya.

            Naalala ko naman na nakita nga pala ako ni Ashley na umiiyak habang kasama ko si Xander. Tanong siya ng tanong kung ano ang nangyari pero dahil sa sobrang pag-iyak ko ay di ko man lang siya napansin.

            “Ate Ella, are you okay?” tanong niya sa akin. “Pinaiyak ka ba ni kuya?”

           

            Ngumiti lang ako sa kanya saka ako umiling. “Okay na ako Ashley, may problem lang kasi ako kahapon kaya umiiyak ako” sabi ko sa kanya. “Hindi ako pinaiyak ni kuya mo, siya nga nagpapatahan sa akin eh, kaso naging bad ako sa kanya” ngumiti naman ako ng bahagya habang tiningnan ko si Xander.

            Sa sobrang awa ko sa sarili ko kahapon ay di ko man lang napasalamatan si Xander. Sa kanya ko pa nga naibuhos yung galit ko eh.

            “Hindi ka pa rin okay ate Ella, tingnan mo... di ka na mukhang princess” nag-pout si Ashley habang tinuro niya yung gulo-gulo kong buhok.

            Ngumiti naman ako sa kanya saka ko pinisil yung pisngi niya. “Kasi ate Ella is not a princess to begin with. Wala naman gustong maging prince ko” eto na naman ako, pati bata nadadamay ko sa pagiging bitter ko eh.

            “Princess si ate Ella. Kung walang gustong maging prince mo, eh di pipilitin ko si kuya” sabi niya. “Kuya, you’ll be her prince di ba?” tumingin naman si Ashley kay Xander.

            Ngumiti si Xander saka siya tumingin sa akin. “Ayaw nga ni kuya sa evil witch Ash” natawa naman ako ng mahina saka ko siya pinalo. Ang loko talaga. “Wag ka ngang magkulong na dyan, ako natatanong ng pamilya mo eh” sabi niya.

            “See!” nagtaka naman kami ni Xander ng dahil sa biglang pagsigaw ni Ashley. “Nung tumawa si ate Ella nagmukha na ulit siyang princess! Malapit nang ma-break ni kuya yung curse”

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon