[44] Video Call

3.8K 205 147
                                    

~happy 80k+ reads ;)

L   I   A   M

"Tatlong araw pa lang na wala si Xander, para kang namatayan diyan" sabi ko kay Ella.

Foundation week kasi namin, walang klase at dapat ay nag-eenjoy kaming lahat. Kanina pa namin kinakausap etong si Ella kaso parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

'Yung Xander pala kasi na 'yun, aalis pala. Nagpaalam lang daw kay Ella nung araw mismo na aalis siya tapos na misunderstand pa ni Ella na hindi na babalik, 'yun pala isang buwan lang. May toyo talaga 'yun.

"Oo nga Ella, unang araw ng foundation week tapos mukha kang nalugi diyan. Hindi mo man lang ba susuportahan ang kuya mo? 'Di ba captain 'yun nung basketball team?" Tanong nila Elmo.

"Sure win na 'yun, hindi ko na siya kailangang suportahan" sabi naman ni Ella.

"Malala ang isang ito, malakas pala tama nito kay Xander. Kailangan lang pala lumayas 'yung lalaking iyon" napakamot na lang si Troy sa ulo niya.

"Tell me about it, tatlong linggong mahigit pa. Paano na 'yan?" Tanong ko naman.

"Hindi ka ba malungkot?" Tanong naman sa akin ni Elmo habang nilayo nila ako doon sa tatlong babae.

Umiling naman ako. "Actually ako pa nga ang nagsabi kay Ella na si Xander ang mahal niya, e"

"Seryoso? Okay ka lang sa ganun?" Tanong ni Troy.

"Nung una ayoko, pero mas okay na ito. Tama na 'yung sa amin ni Ella, mas magiging masaya siya kay Xander. Halata naman oh" sagot ko. Tapos tiningnan nila ako na parang naaawa sila sa akin.

"Huwag niyo nga akong tingnan ng ganyan!" Binatukan ko silang parehas. "Napag-usapan namin ni Ella iyan nang maayos at matagal ko rin na napag-isipan ito. Sapat na 'yung isang gabi na nagmukmok ako, okay na ako ngayon" sabi ko.

Aaminin ko naman. Oo nasaktan ako, sobra. Mahal ko si Ella, kaso hindi ako ganung ka-selfish para ipilit pa 'yung sa amin kung alam ko naman na sa sarili ko na si Xander na ang mahal niya.

"Paano ka na? Makikipagbalikan ka kay Hazel?" Tanong ni Troy.

"Asa kayo" umiling ako. "Magpapakasaya muna akong maging single" biro ko. "Magpapagaling muna ako"

"Magpapagaling? Ng ano, broken heart? Corny mo, pre!" Natatawang sinabi ni Elmo.

"Walang pakialamanan, break na muna ako sa love. Nasobrahan na ako, e" sabi ko sa kanila.

"Ayan, maranasan mo man lang 'yung pinaranas mo doon sa dalawang babae" tinulak pa ako ni Troy.

"Oo na, oo na. Ganti lang ito sa akin, gets ko na" sabi ko sa kanila.

Binalik naman namin ang atensyon namin kay Ella. 'Yung totoo, parang nakipag-break lang?

"Ella, alam kong sanay kang araw-araw mong kasama si Xander pero hindi pa kayo, 'wag kang OA" sabi ni Pau.

Nakabusangot pa rin si Ella hanggang ngayon. "Pinagtatawanan niya ako hanggang sa makarating kami sa airport"

Napabuntong-hininga na lang kami. "Pang-limang ulit na iyan, ha. Tara doon Ella, may kamote doon. Favorite mo 'yun. Ililibre kita" paghila ni Abigail sa kanya.

Para lang kaming nakikipaglaro sa bata. Ella has always been the type to be attached.

Siya 'yung type kasi na kapag nandiyan, nagpapakatigas ng ulo at hindi gaanong pinapansin tapos kapag nawala... Ayun, parang bata na biglang hahanap-hanapin.

Pumayag naman si Ella na kumain nung kamote kaso tahimik pa rin siya. Napansin ko rin na patingin-tingin siya sa cellphone niya, kanina pa 'yun.

"Bakit ba hindi mo mabitawan 'yung cellphone mo?" Tanong ko.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon