[10] Kamalasan

5.4K 286 127
                                    

E  L  L  A

 

          Obvious na obvious sa itsura ko ang pagkairita noong umaga. Paano ba naman kasi, ginising ka na nga ng ala-una ng madaling araw tapos mangangatok na naman sa bintana mo ng ala-singko. Ano ko ba si Xander? Personal alarm clock?!

            Nag-shower na ako saka ako nagbihis bago ako bumaba para sa breakfast. “Busangs, bilisan mong kumilos. Sasabay ka kay Alex paalis” sabi ni kuya nung kumakain kami.

            “Seryoso ka ba doon kuya? Eh ano pa kaya ang silbi ng driver natin?” sagot ko naman sa kanya. Kahapon lang binantaan niya akong isusumbong kila mommy at daddy dahil di ako nagpasundo kay manong Gilbert eh tapos ngayon pasasabayin niya ako kay Xander?

            “Ella nako, sumabay ka na lang kay Alex at ako na lang ang bahala kay manong okay?” sabat naman ni mommy.

            “Paanong bahala? Sisisantehin mo siya? Wala ka bang puso ma?!” Mabait si manong Gilbert no! Simula elementary to high school ay siya na ang naging driver ko eh!

            “Shunga mo Ella. Malamang di na ako magdri-drive, nakakatamad rin lang kaya ako na lang ang ihahatid sundo niya. As for you, doon ka na kay Alex. Madalang lang yun pumayag na magpasakay sa kotse niya, jackpot rin yun anak!”

            “Kung anu-ano na naman ang tinuturo mo sa anak natin, delikado na at baka magmana sayo” napakamot na lang ako ng pati si daddy ay nakisama na rin sa usapan.

            “Ano naman ang masama kung magmana siya sa akin? At least maganda di ba?” tumawa pa si mommy.

            Ito yung isa sa mga rare days na nagkakasama-sama kaming apat na kumain. Sa rare days na yun ay palaging walang matinong napaguusapan dahil mas magulo kami kapag magkakasama.

            “Bakit po ba parang pinagtutulakan niyo akong lahat na maging close kay Xander?” tanong ko sa kanila. Napangiti lang ng malapad si mommy, nabilaukan si daddy habang nabuga naman ni kuya yung juice na iniinom niya.

            “Kasi ang pogi nung batang yun!” sabi ni mommy.

            “Anong pinagtutulakan ang sinasabi mo? Bakit wala akong alam dito?!” nakakatakot naman na pagtatanong ni daddy.

            “Hoy busangs, akala mo lang yun. Ikaw lang ang naglalagay ng malisya, bawal kayo ni Alex ha. PA mo lang siya, malinaw?” dagdag naman ni kuya.

            “Daddy, eh kasi po sabi ni kuya na kay Xander na lang po ako sumabay para safe. Magkaklase rin lang po kasi kami eh” paliwanag ko naman. “Di naman po kami close eh, kahapon lang po kami nagkakilala”

            Tumango si daddy saka siya tumingin kay kuya. “Logan, titingnan-tingnan mo rin yang kapatid mo ha. Baka mamaya magkagusto na naman diyan”

            Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Nalaman kong medyo close pala talaga yung pamilya ko sa pamilya ni Xander. Close yung mga mommy namin tapos on good terms naman ang dads namin. Maya-maya ay may narinig na kaming nag-doorbell.

            Pumunta doon si yaya Hermie at siya ang nagbukas. “Nako Ella, sundo mo!” sigaw niya. Muntik na akong mabulunan. Sundo talaga ha? Talagang pinagmumukha nilang PA ko si Xander eh! “Pasok ka muna”

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon